KABANATA 24

26 3 0
                                    

Tumayo ako at agad naman nilang napuna ang pagtayo kong iyon. Napatingin naman sa akin si Dion pero agad niya ring iniwas ang tingin niyang iyon sa akin.

"Oh saan ka na pupunta?" napatingin naman ako kay Jelai nang magtanong siya. Tipid naman akong ngumiti at saka tumugon sa tanong niya.

"Uuwi na, natatae ako eh." Pagdadahilan ko, alam kong hindi siya o sila maniniwala o naniniwala sa rason kong iyon, pero wala na akong pake kung ano ang iisipin nila. Gusto ko nang umuwi, wala na rin naman akong rason pa para magstay pa rito. Ayokong pagmukhaing tanga at katawatawa ang sarili ko rito.

Kasama ko sila Jelai pero pakiramdam ko ay hindi ako belong sa grupong ito. Hindi naman sa sinasabi kong lumalayo ang loob nila Jelai sa akin, ang punto ko is lahat sila by partner samantalang ako, mag-isa, walang kasama.

"Korni mo naman. Mamaya kana tumae." pagpupumilit niya pa nguni't sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Oo nga naman Greg. May banyo rin naman jan eh. Gusto mo samahan ka pa namin sa loob hehe." Si Teejay. Nginitian ko lang siya, nahihiya ako dahil maging ang dahilang iyon ay rinig pa nila. Nakaramdam tuloy ako ng kahihiyan nang mapagtantong narito nga rin pala itong si Dion na kanina pa ako hindi tinitignan. Ramdam ko ang pag-iwas niya pero pinipilit kong hindi iyon pansinin dahil alam ko naman ang rason kung bakit siya umiiwas ngayon. Hindi lang din kasi ako sanay na ganyan siya katahimik ngayon.

"Namamahay ung pwet ko eh haha kaya di ako makakadumi rito. Alam naman nila yon." Tukoy ko kina Jelai at Cheng.

"Ganon ba? Gusto mo hatid kana namin?" Muli akong napatingin kay Teejay sa suhestiyon niyang iyon pero umiling ako bilang pagtanggi. Nahihiya akong baka abala ko pa sila.

"Hindi na, kaya ko naman na eh. Isa pa mapapalayo lang kayo." muling tanggi ko kay Teejay pero ang tingin ko ay nakay Dion na halata nang naiinis sa presensya ng katabi.

"Wushoo... Wushoo... Sige na mukhang hindi ka na namin mapipilit pa." Tumayo si Jelai at lumapit sa akin. Isinukbit niya ang kamay sa kaliwang braso ko at saka bumulong. "Siguraduhin mo lang na ikukwento mo sa akin yan. Lagot ka sakin bukas." Bulong nito at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Letse dami mong lernings, walang ganon." Bulong ko rin sa kaniya pero nginisihan niya lang ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Huwag nga ako Greg, hindi mo nakikita ang sarili mo kaya manahimik ka. Alam kong may kinalaman yan kay Dion, bakit nasaktan ka ba? Tsk... Sabi sa iyo eh. Bukas o kahit mamaya pagkauwi mo ikwento mo lahat.... Kung hindi, ako mismo ang magsasabi sa kaniya." Nanlalaki ang matang tinignan ki su Jelai. Nag peace sign naman siya nang akma ko siyang babatukan.

"Gago ka, ge na mauna na ako." Humiwalay ako sa pagkakasukbit niya at bahagyang lumayo. "Siguro sinama mo ko rito para inggitin. Nuks, nice! Congrats! Nagwagi ka letse. Ge na mauna na ako." Hindi siya tumugon sa sinabi kong iyon. Mukhang nagmamadali ang gaga.

"Yung sinabi ko huwag mong kakalimutan!" Rinig ko pang sigaw niya, binigyan ko lang siya ng flying kiss at saka kumaway. Sa huling pagkakataon ay napatingin ako sa gawi ni Dion na kasalukuyan na rin palang nakatingin sa akin. Nang magtama ang tingin namin ay siya na rin ang kusang umiwas.

Kumirot ang dibdib ko sa katotohanang umiiwas na nga siya. Ito na rin siguro iyong sinasabi ni Jelai na huli na ang lahat. Kung kela'ng narealize ko na gusto ko siya ay ito namang araw na hindi ko na siya dapat gustuhin pa. Masakit ang katotohanan pero kailangang tanggapin.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon