KABANATA 22

28 3 0
                                    

Nang makauwi ay ibinigay ko na kina mommy ang binili ko. Matapos non ay umakyat na ako at muling ibinagsak ang sarili sa kama.

Nagiguilty ako sa mga sinabi ko kay Dion kanina. Hindi ko naman kayang bawiin ang lahat ng iyon dahil nasabi ko na.

Ipinikit ko ang aking mga mata, nguni't mukha ni Dion ang una kong nakita. Kitang kita ko ang paraan ng pagpalit ng emosyon niya. Kitang kita ng mga mata ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Gusto kong humingi ng sorry pero hindi ko alam kung paano.

' Masyado na ba akong naging harsh sa kaniya? '

Tanong ko sa isip ko nguni't alam ko na ang sagot sa tanong ko na iyon.

' Hindi ko naman makikita sa mga mata niya iyon kung hindi ako naging harsh sa kaniya.'

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil napaka insensitive ko. Alam ko namang wala naman siyang ginagawang masama, sadyang masama lang talaga ang ugali ko.

Pero paano ko nga ba maiiwasan iyon? Makita ko lang siya ay naiinis na ako?

Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaang lamunin ng antok ang diwa ko.

Lumipas ang dalawang araw nang wala akong sa mood. Matamlay ang katawan ko, palagi akong tinatamad at gusto laging nakahiga. Dinaig ko pa nga ang broken hearted eh. Dinaig pa nito ang sakit na naramdaman ko noong nag break kami ni George.

Lumipas ang dalawang araw na patuloy akong nagiguilty sa ginawa at sinabi ko kay Dion. Parang gusto kong puntahan siya sa kanila at humungi ng sorry at bawiin ang lahat ng masasakit na salitang binitawan ko. Gusto kong gawin iyon pero hindi ko alam kung paano dahil wala naman akong lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.

Nahiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Nag-iisip ng mga bagay na maaari kong gawin. Nang walang maisip ay tumayo akong muli at lumabas patungong Terrace. Napatingala ako sa kalangitan, agad na nakaramdam ng kapayapaan. Napakanda ng mga bituin sa gabing madilim. Napakarami nila at maliliwanag at kumikinang. Sa mga oras na ito ay muling gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang isipin ko nguni't ang bigat ay nananatili sa dibdib ko.

Lumipas ang isang linggo na wala akong ginawa kundi ang magmukmok dito sa loob ng bahay. Pero ayos na rin iyon dahil nakakapagbonding parin kaming tatlo nina Daddy at mommy.

Lumipas ang dalawang linggo nang hindi ako sumasama sa anumang gala nila Jelai at Cheng kasama ang mga boyfriend nila. Isa lang ang dahilan non kung bakit hindi ako sumasama, ayokong makita si Dion dahil nahihiya parin akong harapin siya.

Pero sa dalawang linggo na iyon ay walang araw na hindi ko siya inaalala. Nasasaktan parin ako sa katotohanang nasaktan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa tuwing sasagi sa isip ko na nasaktan ko siya. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay parang gusto ko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero gusto ko talaga siyang makita.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong napaisip.

' May gusto na ba ako sa kaniya? Pero paano? Kailan nagsimula ang nararamdaman ko?'

Tanong ko sa isip ko nguni't maging ito ay hindi alam ang sagot sa katanungan ko.

Upang masagot lahat ng tanong sa isip ko ay muli kong binalikan ang mga araw na pagkikita namin mula sa umpisa hanggang sa huli.

Muli kong inalala ang una naming pagkikita na kung saan ay hindi pa namin kilala ang isa't-isa.

Nag-uusap-usap kaming tatlo nila Cheng at Jelai nang bigla kaming matahimik dahil sa ingay ng tatlong lalaki na bagonh dating. Sinundan namin sila ng tingin hanggang sa maupo sila sa kabilang mesa na medyo salungat sa amin pero hindi naman naging hadlang iyon para hindi namin makita ang isa't-isa. Sa kanilang tatlo ay agad kong napansin si Dion dahil siya ang kaharap ko. Natatandaan ko pa kung gaano kaganda ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Sa unang pagkakataon ay kumabog nang mabilis ang pumuso ko. Kakaibang pakiramdam iyon dahil noon ko lang iyon naramdaman. May minsan namang nakikita ko siyang tumitingin sa gawi ko pero hindi ko iyon pinapansin dahil ayoko namang mag-assume dahil baka nililibot niya lang ang paningin niya. Nang matapos kaming kumain ay naiwan ako rito sa taas habang sina Jelai at Cheng naman ay bumaba para maghugas ng kamay. Bumaba rin sina Teejay at Darren kaya naiwan kaming dalawa ni Dion. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang paglapit niya. Naaalala ko pa hanggang ngayon kung paanong nagtayuan ang balahibo ko nang magsalita siya sa tabi ko, bagaman ang tingin ay nasa yelo ba iyon? Hindi ko na matandaan. Naaalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin noon dahilan upang makaramdam ako ng inis sa kaniya dahil sa kahanginang taglay niya. Doon na siguro nagsimula ang uyam na nararamdaman ko sa kaniya hanggang ngayon.

Inalala ko ulit ang pagkikita namin sa Ministop. Hindi ko inaasahan iyon dahil hindi ko naman alam o hindi naman sumagi sa isip ko na dito rin siya nakatira.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli kaming nagkita sa Street King, ito yung gabing Birthday ni Vin. Kasama ko non si George.

Naalala ko rin iyong una naming pagsasama as a group, doon ko nakilala si Dion. Sa gabi ring iyon ay humanga ako nang husto sa kaniya. Napakaganda ng boses niya. Ang sarap sa tenga at ang sarap pakinggan.

Inalala ko ang lahat ng pagkikita namin, nung araw rin na kasama ko siya nang makita ko si George na kasama si Venice. Naalala ko rin yung gabing niligtas niya ako at muli akong nagkaroon ng utang sa kaniya. Lahat ng may kinalaman sa kaniya ay inalala ko.

Hindi ko tuloy namalayan na nahulog na pala ako sa kaniya simula pa lang nung una. Hindi ko man lang namalayan na ang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng pagkagusto ko sa kaniya. Dumagdag pa ang mga bagay na nagawa niya sa akin kaya siguro hindi ko na namalayan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Akala ko inis lang iyon, iba na pala.

Pumasok na ako sa loob nang makaramdam na ako ng antok. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at hinayaang balutin ng antok ang diwa ko.

Kinabukasan ay nagising ako nang maramdaman ang init sa paahan ko. Tumayo at ako agad na nagtungo ng banyo upang mahilamos. Nang matapos ay bumaba na ako, nadatnan ko naman sila mommy, daddy, at nay Nelia sa kusina. Umupo na ako at saka kumuha ng pagkain.

Nakinig lang ako sa usapan nila hanggang sa natapos kaming kumain ay hindi parin ako umiimik. May minsan namang kinakausap ako nila mommy pero hindi rin nagtatagal iyon.

Matamlay akong umakyat pabalik sa kwarto ko. Sa ilang linggong lumipas ay para akong patay. Sobrang tamlay, at walang gana sa lahat ng bagay.

Alam kong higit pa rito ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. May parte sa akin na parang gusto ko nang sumuko dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang nararamdaman kong ito.

Para akong tangang umiiwas sa isang taong wala namang alam sa nararamdaman ko. Isa rin sa ikinatatakot ko kaya iniiwasan kong sumama sama sa gala nila. Kinatatakot ko na baka hanggang kaibigan lang ang turing sa akin ni Dion.

Napailing na lamang ako, ako itong laging pikon pero ako itong biglaang nahulog. Tsk... ' Kakaiba ka kung pumana kupido ' ito na siguro marahil ang karma ko.

Natinag ako nang marinig ko si nay Nelia na kumakatok sa pinto ko kaya agad akong nagtungo sa pintuan at pinagbuksan siya.

"Iho nariyan ang mga kaibigan mo, hinahanap ka. Dalian mo nang bumaba dahil mukhang may lakad kayo." Hindi na ako nagtanong pa kung sino iyon dahil alam ko namang sina Jelai at Cheng iyon. Nag-asikaso na ako at nang matapos ay bumaba na ako. Agad naman akong sinalubong ni Jelai nang nakataas ang kilay.

"Ang tagal mo talaga. Bawal pa namang paghintayin ang magaganda. Ang umangal pangit." Nginiwian ko naman siya at napatingin sa tabi niya.

"Hello Greg hehe. Ganda pala ng bahay nyo. Pasensya na hindi kami nakapagsabi." Bungad ni Teejay. Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko, may kung anong tuwa, saya, at excitement naramdaman nang makita si Teejay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nasabik na makita siya. Kaya naman lumagpas ang tingin ko kay Teejay hanggang sa makita ko si Darren. Bumalatay ang lungkot at disappoinment sa dibdib ko nang hindi ko nakita si Dion.

"H-Hindi, ayos lang noh. Tara na?" Tugon ko at tumayo naman na sila. Nagpaalam na kami kina mommy at nang makalabas ay sabay-sabay na kaming sumakay sa jeep.

"Saan pala ang punta natin?" Tanong ko, nilingon naman ako ni Jelai. Narito ako ngayon sa tabi ng driver habang si Jelai naman ay nasa pinakadulo ng jeep, dito sa harap, kaya nagagawa pa naming makapag kwentuhan.

"Jan lang sa Rob. Nag-aya ang boys eh." Tugon niya at hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko na rin tinanong kung nasaan si Dion dahil baka mag-usisa ito, malaman niya pa. Pero it's a good thing narin na hindi ko siya makita dahil hindi pa rin ako handa na harapin siya. Pero aaminin ko na nalulungkot ako dahil hindi ko siya makikita. Hindi na ako muling nag-isip pa hanggang sa narating na namin ang Robinson.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon