Tulala parin ako at hindi makapagsalita. Hindi parin nagsisink in sa utak ko ang matatamis na salitang binitawan ni Dion. Sa mga sinabi at sa mga ginawa niya ay gumaan talaga nang husto ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay safe na ako nang yakapin niya ako.
"S-Salamat," hindi ko inaasahan na masasabi ko iyon. Kita ko rin kasi na tila hinihintay niya rin akong magsalita. Wala talagang salita ang lumalabas sa utak ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, hindi ko alam kung ano ang maitutugon ko sa matatamis niyang salita. Masyado parin akong nagugulat sa mga pinapakita at pinagsasabi niya ngayon.
Napabuntong hininga siya, hindi gusto ang sinabi kong iyon. Gusto kong maiyak dahil nauubusan talaga ako ng salita kapag nanjan siya sa tabi ko, lalo na ngayong magkalapit lang kami.
"Yun na yon?" di makapaniwalang tanong niya, napayuko naman ulit ako sa hiya.
"S-Sana hindi mo na lang ginawa yon." nakayukong dagdag ko pa. Lalo siyang napabuntong hininga at nakapamewang na sinapo ng noo.
"Sa dami ng sinabi ko yan lang ang sasabihin mo? Hanep ka rin ah. Alam mo ba kung gaano kahirap sabihin yon sa 'yo?" hindi makapaniwalang sambit niya pa. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Seryosong seryoso siya dahilan para magsalubong ang dalawang kilay niya.
Nang makita ang reaksyon ng mukha niya ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang palihim. Ang gwapo niya kasi, nagmumukha pang cute kapag nagagalit.
"S-Sorry na."
"Anong sorry? Hindi yan ang kailangan kong marinig Greg!" Napipikon na sambit niya pa. Wala talaga akong ideya kung ano ang tinutukoy niya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Masyadong magulo ang isip at nararamdaman ko.
"Eh bat ba kasi nagagalit ka?" inis rin na sambit ko. Muli siyang bumuntong hininga at umayos ng tayo.
"Hayaan mo na nga." Wala nang magawang sambit niya. Dismayado.
"S-Sige na, mauuna na ako." Akmang tatalikod na ako nang muli niyang hawakan ang braso ko dahilan upang matigilan ako. Mabuti na lang din talaga ay may kadiliman itong parte na tinatayuan namin sa harap ng St. Paul kaya hindi kami ganoon kakita ng mga taong dumadaan sa kabilang kalsada.
"Sa akin kana sumabay." Aniya
"H-Hindi na." pagtanggi ko at muli na naman siyang bumuntong hininga.
"It's ok Greg, alam ko na." Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya.
' Hindi pwede huhu. Yari ka sakin bukas Jelai.'
"A-Alam mo na ang alin?" Kinakabahang tanong ko. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Hindi pa ako handang umamin sa kaniya.
"Alam ko na." pambibitin niya pa, lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Mukhang wala na akong magagawa pa, mukhang sinabi na rin ni Jelai sa kaniya. Humanda ka lang talaga sa akin bukas na babae ka. Pero pwede ko paring itanggi. Oo tama!'
"H-Hindi totoo ang sinabi ni Jelai. H-Hindi kita crush." Utal na pagtanggi ko. Pero imbis na magulat siya ay bigla lang siyang ngumisi. Hindi ko alam kung para saan ngisi niyang iyon o kung meron ba dapat siyang ikangisi. Lalo tuloy akong kinabahan dahil sa ngisi niyang iyon.
"Talaga ba?" Nakangising tanong niya, nanghahamon. Naiwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay hinihigop ang kaluluwa ko sa mga titig niyang iyon.
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...