Binalot ng sakit at kirot ang puso ko, hindi ko alam kung saan ko ibubuhos iyon para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Masyadong masakit sa parte ko na, siya lang ang iniiisip ko mula noong nakaraang linggo at hanggang ngayon, at ang mas nakakatawa pa, sa mismong anniversary namin ko pa siya nakita. Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.Hinayaan kong tumulo nang tumulo ang luha ko. Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa akin ngayon dahil ang mahalaga lang sa akin ay kung paano ko haharapin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Masyado akong nanghihinga sa katotohanang sa mismong harap at sa mismong mukha ko pa sila naghalikan. Nakakatawa na ang taong inaakala mong hindi niya gagawin saiyo ang mga bagay na nakikita mo sa iba ay siya palang taong gagawa ng ganito kasakit sa puso mo.
Muli akong napangiti nang mapait, ipinikit ko ang aking mga mata nguni't muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang biglang lumitaw ang mga mukha nilang nag-eenjoy na magkasama.
"Hello Teejay tara lipat muna tayo? Wag muna tayo jan." Rinig ko pang sambit ni Dion na kausap sa phone si Teejay. Hindi ko na sila pinansin pa at nakatulalang tumingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay hindi parin naiibsan ang sakit na nararamdaman ko, parang lalo pa nga atang nadadagdag iyon sa tuwing sasagi sa isip ko kung paanong paaran hinalikan ni George si Venice.
Muli kong hinayaan ang pagtulo ng aking luha pababa sa aking pisngi, hinayaang yakapin ng malamig na hangin ang aking katawan.
"G-Greg?" marahan kong iminulat ang aking mata nang marinig si Vin. Nasa harapan ko na siya ngayon, agad na tumama ang mata ko sa mata niya. May kung anong lungkot at pagsisisi akong nakikita sa mga mata niya.
' Alam kong may alam ka Vin pero bakit hindi mo sinabi sa akin?'
Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang hindi siya kamuhian. Alam kong maiipit siya sa pagitan naming dalawa ni George at alam kong mas papanigan niya si George dahil siya naman ang tunay na kaibigan nito at hindi ako. Nginitian ko siya at pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa aking mga mata.
"V-Vin.* Wala pa man akong ibang nasasabi ay nagcrack na ang boses ko. Kita ko ang awa sa mata niya kaya agad niyang inialis ang paningin niya sa mata ko.
"S-Sorry Greg." Muling sambit niya at doon ay muling kumirot ang dibdib ko.
' I knew it. May alam nga siya.'
"H-Hindi ayos lang. Pasensya na, sige na samahan mo na sila ron." pinipigilan ko ang emosyong nagkukumawala sa dibdib ko pero hindi ko kaya, masyadong masakit sa dibdib kaya hindi ko kayang labanan ang sakit. Napapikit ako at muling ngumiti sa kaniya.
"Ayos ka lang ba Greg?" Tanong niya, hindi ko alam kung tanga ba siya o nagtatangatangahan? Hindi ako ok, at kung sino mang tao ang nasa pusisyon ko ngayon ay makakaramdam ng insulto sa tanong niyanh iyon. Sinong hindi magiging ok? Nag cheat ang boyfriend mo, anniversary niyo pero may iba siyang kahalikan.
Nakakalokong ngumisi ako at muling pinatatag ang sarili ko.
"Wala naman akong dahilan para hindi maging ok Vin." Nakakalokong tugon ko sa kaniya. Masyadong nakakatanga ang tanong niyang iyon.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil kung haharapin ko pa siya ay baka sa kaniya ko maibuhos ang galit ko. Ayokong idamay si Vin pero hindi ko rin maiwasan ang hindi magalit sa kaniya. Nang makaalis na siya ay siya namang paglabas ng mga kasama namin. Nagtataka silang tumingin sa gawi namin ni Dion na hindi ko alam na kasama ko pa pala. Pumara ako ng jeep at sumunod naman sila. Magtatanong pa sana si Jelai pero tinignan ko lang siya at alam niyang hindi ako ok. Umandar na ang jeep at siya namang paglabas ni George sa shop. Tumakbo siya at agad na nagtama ang aming mga mata. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Ngumiti ako sa kaniya at hinayaang umagos muli ang luha ko sa pisngi ko. Hinayaan ko ang sarili ko na ipakita sa kaniya na mahina ako. Hinayaan ko ang sarili ko na ipakita sa kaniya na sobrang nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...