KABANATA 16

30 3 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata, agad akong napatingin sa labas ng aking bintana. Masyado pa pala akong maagang gumising. Ilang linggo na rin ang lumipas magmula nang break-up namin ni George. Sa loob ng ilang linggo ay muli kong hinanap ang sarili ko. Sa pagkakataong ito ay sa sarili ko na lang muna ipofocus ang atensyon ko.  Hindi ako lumabas nang ilang linggo kaya maging ang pamamamasyal ay hindi ko na nagawa dahil sa labis na pagmumukmok sa loob ng silid ko. Ilang linggo akong walang ganang kumain, walang ganang kumilos, para akong patay pero buhay ang aking kaluluwa.

Tumayo ako at naghilamos ng mukha. Nang matapos ay  bumaba ako upang uminom ng tubig. Patay parin ang mga ilaw kaya ako palang ang gising sa aming lahat dito.

Noong nakaraang linggo rin ay dumating na ang bago naming yaya. Mabait siya at nakakagaan ng loob. Mayroong katandaan pero hindi halata sa katawan dahil napakamasigla pa. Palaging nakangiti at sa mukha palang ay mabait na.

May ilang beses na rin kaming nagkukwentuhan kaya agad niya ring nakuha ang loob ko. Masyadong mabait si Nanay Nelia, siya yung tipo ng tao na hindi mo pag-iisipan ng masama dahil kahit sa mukha nito ay napakabait. May kahinhinan pero sakto lang naman iyon para sakaniya.

"Oh iho ang aga mo naman atang gumising ngayon." bungad ni Nanay Nelia nang makita akong nag-iipis ng tubig sa baso.

"Ahh nauhaw lang po Nay Nelia kaya bumaba po ako para uminom."

"Ganoon ba? Ikaw ba'y nagugutom, ipaghahanda kita."

"Ayy nako po nay Nelia huwag na po. Magpahinga na lang po muna kayo. Bukas na lang po ako kakain. " pagtanggi ko at wala naman na siyang nagawa pa.

"Oh siya sige, kapag nagutom ka ay magsabi kana lang sa akin para maipaghanda kita."

"Sure po. Akyat na po ako nay, salamat po." matapos kong magpaalam ay umakyat na ako at muling humiga. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako muling dinalaw ng antok kaya napagpasyahan ko na lang na lumabas at magtungo sa terrace ng kwarto ko.  Iniangat ko ang aking ulo at pinagmasdan ang kagandahan ng maliwanag na bituin.

Napakaganda ng kulay ng himpapawid sinabayan pa ng kumikinang na iba't-ibang kulay ng mga bituin. May mga matitingkad, may mga maliliit, at mayroong nagbiblinkblink.  Sa pagkakataong ito ay nabura ang ilang isipin ko, gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

Dumaan ang ilang linggo magmula nang magbreak kami ni George. May parte parin sa puso ko na umaasa na babalik pa siya, pero may parte naman sa akin na nagsasabing malabo na iyong mangyari, nasasaktan parin ako, hindi ko naman maiaalis sa akin iyon lalo na't nagtagal din kami ni George kaya napakahirap niyang kalimutan at huwag isipin.

May mga pagkakataon pang nagkukusa ang kamay kong imessage at tawagan siya pero pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon dahil ayoko nang saktan pa lalo ang sarili ko kaya matinding pagkokontrol ang ginawa ko para huwag iyong gawin. Marami parin akong katanungan sa isip ko na alam kong siya lang ang may kakayahang makasagot non, pero ang mga katanungan na iyon ay hindi ko na iniisip pa dahil baka maabala ko pa siya at makaramdam muli ng panibagong sakit sa mga posibleng dahilan niya.

Upang tuluyang makalimutan siya ay blinock ko na siya sa lahat ng contacts maging sa lahat ng social media accs ko para hindi ko na rin siya macontact sakaling traydurin ako muli ng kamay ko. 
Sa ilang linggo kong pamamalagi sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi mamiss ang pag-alis alis. Namiss kong gumala sa kung saan-saan. Namimiss ko nang maghanap ng mga kaninang patok sa social media.

Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na nang maalalang tapos na ang klase namin. Marami na akong oras at panahon para magbulakbol.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon