Kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungong Tom's world. Ilang sandali pa ay narating na namin iyon. Napakaraming tao, maraming bata, magkakaibigan at higit sa lahat, mga COUPLE.
Napangiwi ako at iginala na lang ang paningin. May kalakihan ang loob, may, karaoke booth, billiard hall, arcades hall, bowling, basketball, at kung ano-anong pang nakikita sa mga arcades. Nalungkot lang ako dahil hindi available ang just dance. Sa lahat kasi, iyon ang pinakapaborito ko.
"Woi Greg san ka pupunta?" Puna sa akin ni Cheng nang lumayo ako sa kanila. Napangiwi naman ako at nginuso ang arcade hall.
"Doon lang ako, nakakahiya naman maging third wheel sainyo tsk. Nag-aaya kayong pumunta rito nang me kasama samantalang ako nganga? Gg jan na nga kayo." Tugon ko at natawa naman silang dalawa ni Darren.
"Hayaan mo, parating na rin yung magiging partner mo." Pang-aasar naman ni Darren na kumikindat kindat pa. Sinamaan ko lang siya at nginiwian ng labi. Ang korni kasi eh.
Nilayasan ko na sila at nagtungo sa mga claw machines. Nagtungo ako sa cashier at bumili ng card. Nang makabili ay agad akong nagtungo sa mga chibi stuff na naroon. Iba't-ibang klase iyon halos lahat ay cute pero yung isang chibi ang mas pumukaw sa atensyon ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala si Dion sa chibi na iyon. Magkamukha kasi sila. Iyung buhok ni Dion nung una naming pagkikita ay ganoon ang buhok ng chibi na nakikita ko. Makapal din ang kilay non at may kasingkitan ang mata. Napangiti ako at gusto kong kunin ang isang iyon.
Kahit walang experience ay iniswipe ko na ang card at kinontrol ang joy stick ata ito, basta itong controler. Ginalaw galaw ko ang controller at nang sumakto na sa chibi na iyon ay saka ko pinindot ang red button at unti-unting bumababa ang claw na nagsisilbing tagakuha ng mga bagay na nasa loob.
Agad na umakyat ang excitement sa loob ko dahil na-claw niya iyon pero nang aangat na ang claw ay bigla iyong bumitaw. Nasapo ko ang aking noo at muling nag swipe. Marahan kong ginalaw galaw ng controller at nang matapat na sa target object ay pinundot kong muli ang red button at unti-unting naman itong bumaba. Katulad ng kanina ay na-claw nila ang ulo ng chibi nguni't agad din iyong bumagsak. Kaya naman ay muli akong umulit nang umulit hanggang sa nakasampu na ako na hindi ko pa rin nakukuha. Gusto kong magwala dahil sa inis na nararamdaman ko. Gustong gusto kong kunin ang bagay na iyon. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman kaya iyon.
Muli kong iniswipe ang card ko at muling kinontrol ang machine. Nang sumakto na ay muli kong pinindot ang red button nguni't hindi man lang nito nahawakan ang chibi kaya muli akong nag swipe nang nagswipe hanggang sa napagod na ako.
Halos umabot na rin ng 20 na try ang ginawa ko pero sa 20 na iyon ay wala man lang akong nakuha. Para tuloy gusto ko na lang bilhin ang chibi na iyon pero hindi ko naman alam kung saan ko bibilihin iyon.
Bagsak ang balikat na umalis ako sa claw machines. Labag sa loob ko ang umalis don nang hindi nakukuha ang chibi na iyon. Nagtungo naman ako sa ibang arcade games pero sadyang hindi ko talaga naeenjoy dahil wala akong kasama. Kaya nang makita ko sina Jelai ay pumunta na ako sa kanila at naki thirdwheel.
"Greg look oh! Ang dami hehe." Bungad nito sa akin na ipinakita pa ang iba't-ibang uri ng stuffed toys na mukhang nanggaling sa mha claw machines.
"Oh andito na pala sila eh. Kamusta kayo?" Bungad din ni Cheng kaya napatingin naman kami sa kanilang dalawa. Tulad ni Jelai ay marami rin siyang kapit na stuffed toys, mas marami kumpara kay Jelai.
Agad akong nakaramdam ng inggit sa kanila. Inggit, hindi dahil sa may kasama silang maglaro at may boyfriend silang kasama, naiinggit ako kasi andami nilang stuffed toys. Huhuhu
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...