KABANATA 7

79 3 0
                                    

Naging mabilis ang biyahe dahil wala na masyadong sasakyan ang nadaan. Masyado na rin kasing gabi kaya naman ay wala pang isang oras ay narating na namin ang bahay.

"Thanks for this night, sobra akong nag-enjoy." nakangiting sambit ko matapos kong hubarin ang helmet sa ulo ko. Humikab pa siya senyales na inaantok na. Natawa naman ako dahil ang cute niya.

"Buti naman, kasi kung hindi ka nag-enjoy malulungkot talaga ako."   malungkot kunyaring aniya at muli na naman akong natawa dahil sa kakyutan niya. Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya.

"Sa lahat naman ng ginagawa mo, meron man o wala eh nag-eenjoy naman ako."  Sinserong sambit ko na ikinalawak ng ngiti niya. Gumanti siya ng yakap sa akin at saka ipinatong ang baba sa aking balikat. Kinakailangan niya pang yumuko dahil sa tangkad niya.

"Natutuwa ako dahil nanjan ka sa tabi ko. Sobrang saya ko dahil napakaswerte ko dahil merong ikaw ang bumubuhay sa loob ko. Natutuwa ako dahil lagi mo akong iniintindi kahit alam kong mahirap saiyo yon minsan. Kaya nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko. At ngayon ay humihingi na ako ng kapatawaran sa lahat ng bagay na nagawa ko. Sorry Babe."  May kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Para sa akin ay parang doble ng meaning ng sinabi niya. Agad ko siyang inihiwalay sa akin nang may maramdamang patak ng luha sa aking balikat. Iniwas niya naman ang tingin niya kaya mayroon siyang pagkakataon na punasan ang luha niya.

Muli akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi at pinunasan ang luhang tumulo roon.

"Iintindihin kita dahil mahal kita. Iintindihin ko lahat dahil mahal kita. Iutos mo man sa akin iyon o hindi gagawin ko parin dahil mahal kita. Mag-i-stay ako sa tabi mo kahit na anong mangyari dahil mahal kita."  Nakangiting sambit ko, bahagya naman siyang ngumiti at saka dinampian ako ng halik sa labi.  "Hindi mo kailangang magpasalaman dahil ginagawa ko lang iyon dahil nagkukusa ako. Hindi mo rin kilangang humingi ng sorry dahil may gawin ka man o wala, lagi kitang pinapatawad. Mahal na mahal kita George."  Muling dagdag ko dahilan upang muling lumamlam ang kaniyang mga mata. Muling hinaplos ang puso ko sa mga reaksyong pinapakita niya. Hindi ko alam bakit may parte sa puso ko ang nasasaktan kapag nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Siguro hindi lang ako sanay na makita siyang ganito ka emosyonal dahil ang lagi kong nakikita sa kaniya ay malakas.

Muli niy akong hinalikan sa labi at tumagal iyon ng ilang minuto hanggang sa siya na ang kusang humiwalay sa pagkahalik sa akin.

"I love you."  Nakangiting sambit niya habang nakayakap pa sa akin.

"I love you more." Tugon ko dahilan upang maramdaman ko ang pagkangiti niya. "Oh siya sige na, mauna kana masyado na ring madilim magdadrive kapa. Mag-iingat ka ok? Text me kapag nakauwi kana."  Sumunod naman siya at saka nagsuot ng helmet.

"Una na ako, pasabi kay tita na congrats ulit! I love you!" Tinunguhan ko pa muna siya at saka kumaway. Bumusina naman siya bago umalis. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob. Naabutan ko naman sila mommy na kumakain ng snacks habang si daddy naman ay iniinom ang beer na binili ko kagabi. Napukaw ko naman ang atensyon nila kaya nakangiti akong lumapit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Oh nakauwi kana pala, late na rin. Kumain kana ba?"  tanong ni daddy nang lumapit ako sa kaniya.

"Lumabas po kasi kami ni George eh hehe." kinikilig na tugon ko kay daddy. Ngumiti naman ito at ginulo ang buhok ko. Tumingin naman ako kay mommy at nahiga sa lap niya at saka hinawakan ang maliit niyang tiyan.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon