****FLASHBACK***
"HOY BATA! ANONG PANGALAN MO?"
tanong ng batang lalaki sa batang paslit na nakaupo sa carabao grass. Walang gana naman siya nitong tinignan at hindi inimik." PWEDE BANG MAKIPAGKILALA?" Muling tanong ng batang lalaki sa batang paslit. Muli ulit siya nitong tinignan nguni't sa pagkakataong ito ay tila nauuyam siyang makita ang batang lalaki.
"NAGLALARO KA BA NG BASKETBALL? TARA LARO TAYO." Pangungulit pa nito nguni't gaya parin ng kanina ay dedma siya ng batang paslit.
"NAKAKAPAGSALITA KA BA? PIPE KA BA?" Hindi parin tumigil sa pangungulit ang batang lalaki sa batang paslit.
Halos magkasing edaran lamang sila pero halata mo sa batang paslit na lalaki na siyang nakaupo sa carabao grass ay mukha itong masungit. Pero kahit ganon ay hindi parin tumigil ang batang lalaki sa pangungulit sa batang paslit. Tila natutuwa pa ito sa pinapakitang reaksyon ng batang paslit. Kaya kahit hindi pinapansin ay natutuwa parin siya rito.
"GUSTO MO BANG MAGPALIPAD NG SARANGGOLA? MAGALING AKONG MAGPALIPAD." Hindi parin sumusuko ang bata na kausapin ang batang paslit. Malakas na bumuntong hininga ang batang paslit at inis siyang tinignan nito.
"PUWEDE BA HUWAG MO AKONG KAUSAPIN DAHIL HINDI NAMAN KITA KILALA!" iritang sigaw nito sa harap ng batang lalaki, pero imbis na maiyak o mapahiya ang batang lalaki ay malapad niya itong ngitinitian na lalong nagpadagdag ng inis sa batang paslit.
"ANG CUTE MONG MAGALIT HEHE, HINDI BALE DADATING DIN ANG PANAHON NA MAKIKILALA KITA." nakangiting sambit pa nito at saka umalis. Naiwan namang napamaang ang batang paslit sa sinabing iyon ng bata.
***END OF FLASHBACK***
Nagmulat ako ng aking mga mata dahil sa panaginip na iyon. Nakikita ko ang batang ako habang ang isang bata naman ay hindi ko alam kung sino. Ang batang iyon ay ang nangungulit sa akin.
Pinipilit kong aninagin ang itsura ng lalaking kumakausap sa akin nguni't hindi ko na matandaan ang itsura ng mukha niya.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata, gustuhin ko mang bumalik sa pagkakatulog nguni't hindi iyon nangyayari. Kusang lumilitaw sa isip ko ang napanaginipan ko.
Gustuhin ko mang aninagin ang mukha niya ay hindi ko magawa dahil hindi ko na talaga maalala. At isa pa, hindi ko rin siya napagtuonan ng pansin noon dahil may sarili akong mundo.
Iwinaglit ko na sa isip iyon, tumayo ako at nagtungo sa banyo upang magsipilyo. Kinuha ko ang phone ko at hinintay na lang na mag-umaga. Lumipas ang oras, sumikat na rin si Haring araw.
Masyadong nakakatamad ang araw na ito, gusto kong lumabas at gumala pero ang init naman kaya lalo akong tinamad lumabas.
Lumipas ang umaga, tanghali hanggang sa maghapon na ay buryong buryo parin ako. Kinuha ko ang phone ko at sakto namang nagchat si Cheng kaya nabuhayan ako kahit papaano.
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...