KABANATA 11

37 3 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay nang hindi ko namamalayan. Masyadong lutang ang isip ko kaya maging ang pagkilos ko ay hindi ko na alam. Masyadong mabigat ang dibdib ko kahit na pinipilit kong pagaanin iyon ay hindi parin naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Masyadong masakit sa akin ang mga nalaman ko kanina. Ayoko mang mag-overthink dahil hindi ko pa nalalaman ang rason niya kung bakit hindi siya nagrereply sa mga messages ko. Ayokong masamain iyon dahil baka nagpapahinga lang siya, ang kaso hindi eh. Dati kasi kahit gaano siya ka-busy nakukuha niya pang magchat at tumawag sa akin. Minsan nga nagpapaalam pa siya sa akin na baka hindi kami makapag-usap ng araw na iyon dahil busy siya o di kaya ay ipapahinga niya muna ang isip niya. Ang kaso iba ang ngayon eh. Hindi na niya ginagawa ang dati niyang ginagawa sa akin noon.

May parte sa puso ko ang nagsasabing baka nga busy lang talaga siya pero may parte sa isip ko na nagsasabing nagsinungaling na siya. Pero kahit ganon ay hindi ko iyon lubos na maisip dahil kilala ko naman si George.

' Bigyan mo lang ako ng sapat na dahilan Babe, mawawala na tong sakit na nararamdaman ko. Magpaliwanag ka lang sa akin ay ayos na ako. Magiging panatag na ako.'

Nilunod ko ang utak ko sa kakaisip sa mga bagay-bagay na maaaring magpabawas sa pag-iisip at sakit na nararamdaman ko ngayon. Sa hindi inaasahan ay biglang lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Dion noong nakaraang araw. Muli kong narinig sa isip ko ang paraan niya ng pagkanta. Tila muli ay nasa tabi ko siya ngayon dahil sobrang lakas non sa isip ko na kung aakalain ko ay nasa tabi ko lang siya. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ewan ko kung paano nangyari iyon pero ayos na rin para kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Nang magmulat ako ng aking mga mata ay sakto namang tumama sa aking kalendaryo. Nanlalaki ang mga matang tumayo ako at muling pinakatitigan ang kalendaryo na iyon. Sa Ika-25 ng Mayo ngayong buwan at bukas na rin iyon, ay ang nalalapit na anniversary namin ni George.

Sa katotohanang iyon ay lumakas ang loob ko. Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko. Nanumbalik ang saya, ngiti at kilig sa puso ko. Muling nanumbalik sa isip ko ang hindi pagmessage at pagtawag sa akin ni George pero hindi na lungkot at sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil tuwa at kilig na.

Biglang nabuhayan ang puso ko nang isiping baka ginawa iyon ni George para surpresahin ako bukas.

Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangisi at mapaindak sa kilig. Iisipin ko palang na makakasama ko siya bukas sa anniversary namin ay wala nang paglagyan ang tuwa at kilig sa puso ko.

' Kaya pala hindi ka nagparamdam nang buong linggo ay dahil babawi kana naman. Tsk... Pinag-alala mo ako nang husto George.'

Kinuha ko ang phone ko at pinindot ang icon niya, nagchat ako sa kaniya at muli siyang kinamusta. Hindi ako nakaramdam ng galit kahit nakita kong tadtad ko na ng chats ang messenger niya.

Nakaramdam ako ng antok kaya muli akong humiga at pagod na pumikit. Hinayaan kong lamunin ng antok ang diwa ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

MAY 25

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ang pag-uga sa aking paahan. Nakita ko si mommy na nakangiti na sa akin. Tumayo ako sa agad na humalik sa kaniya. Naghilamos ako at nang makita muli ang kalendaryo ay agad na kumalat ang kilig sa buong katawan ko. Kinuha ko ang phone konat tinignan ang message niya na wala paring laman bukod sa mga messages ko, pero hindi ko parin maiwasang hindi kiligin sa tuwing iisipin kong baka isa ito sa parte nh sorpresa niya. Wala pa mang nangyayaring maganda ay para na akong nakalutang sa alapaap dahil sa isiping mayroong surpresa si George sa akin ngayong anniversary namin. Sobrang saya ko rin ngayon dahil hindi ko akalain na aabot kami ng ganito katagal.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon