KABANATA 15

29 3 0
                                    

"Shhh... It's ok baby, tahan na."  Pagpapatahan ni mommy sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak at saka pinunasan ang kumalat na luha s aking mukha. "Sabihin mo kay mommy kung ano ang nangyari ok?" dagdag niya pa at inalalayan akong umupo sa sofa. Tahimik akong humikbi at ikinuwento ang lahat kay mommy maliban na lang sa nangyari kagabi. Tinanong niya ako kung ano raw ang naging dahilan ni George kung bakit siya nakipaghiwalay. Hindi ko sinabi na mayroong third party na naganap at iyon ang naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni

"It's ok baby, part of growing up yan hihi. It's ok na masaktan ka dahil you love him. Isipin mo na lang na yung sakit na nararamdaman mo ngayon ay consequences ng pagmamahal mo sa kaniya. Kaya tahan na ok?"  Pagpapagaan pa ng loob ni mommy, medyo huminahon na rin ako nang maikwento ko kanina ang lahat.

"Thanks mom, gumaan ang pakiramdam ko."  sambit ko at yumakap sa kaniya. Totoong gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko nang magkwento ako kay mommy. Wala parin talagang tatalo kapag parents mo na ang sinasabihan mo makakatanggap at makakaramdam ka talaga ng totoong karamay.

"Face the consequences baby, ok? Ayos lang na masaktan ka dahil nga nagmahal ka. Mas ayos sa isang relasyon iyan, ang umiyak dahil nasaktan. Pero sana kapag nagheal iyang pain mo ay hindi na sarado sa iba."  Makahulugang dagdag pa ni mommy. Tumango naman ako at humalik sa kaniya.

"A-Akyat lang po muna ako mom. I love you! Sleep well ok?"  tumango naman siya at hinalikan din ako sa pisngi nang halikan ko siya sa kaniyang pisngi.

"If you want to talk don't hesitate to call me ok? I love you too baby."  tumango na lang din ako at tipid ang ngiting tumalikod sa kaniya.  Pagkapasok ko ay pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama. Wala na ang aking pagluha pero ang sakit ay nananatili parin sa loob ko. Masyado parin akong nasasaktan sa katotohanang hindi parin pala ako sapat para sa kaniya.

Sabagay sino nga naman ba ako para isiping hindi ako kayang lokohin ni George?

Napangiti ako nang mapait sa isiping iyon. Masyadong nakakaloko ang katotohanang babae si Venice samantalang ako naman ay ganito. Hindi na rin katakataka na mas pipiliin niya parin si Venice, si Venice na maganda, si Venice na matalino, si Venice na approachable at higit sa lahat, si Venice na isang babae. Si Venice na pwedeng ipagmalaki sa iba.

' Pasensya na, ganito lang ako.'

Inalis ko sa isip ko ang isiping iyon dahil lalo lang akong nasasaktan sa katotohanang babae si Venice. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagseselos sa mga lumalapit at kumakausap kay George. Ewan ko ba, masyadong panatag ang puso ko na kahit lumapit at kausapin ng iba si George ay alam kong sakin parin naman titingin si George sa huli. Isang bagay lang naman ang ikinaseselos ko eh, iyon ay ang  babae sila at eto ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata at muling ninamnam ang sakit. Nang dumilat ako ay agad iyong tumama sa napakaganda at napakaliwanag na buwan. Nakaharap kasi ako ngayon sa Bintana ko kaya kitang kita ko ang kagandahan ni Luna. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si George, siguro marahil ay para din siyang buwan.  Dahil kagaya ng buwan ay lilisan din siya kapag dumating na ang araw.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muling hinayaan ang isip na mag-isip nang malalim. Wala akong ibang magagawa kundi gawin ito dahil ito lang naman ang kaya kong gawin.

Muling nanumbalik sa isip ko ang mga nangyari noong kasama ko si George, kung paano ko siya nakilala, kung paano ko siya nagustuhan, at kung paano ko siya sinagot. Lahat ng iyon ay tandang tanda ko pa. Lahat ng binitawan niyang salita ay tanda ko pa. Ang mga lugar na naging memorable sa amin ay tanda ko pa. Ang mga reaksyon niyang nagpahulog sa loob ko ay tandang-tanda ko pa.  Mahirap at masakit aminin na nagtapos na ang relasyon namin ni George, mahirap tanggapin pero kailangan kong kayanin. Hindi ako makakausad kung patuloy kong iluluklok ang sarili ko sa nakaraang lumipas na. Maaaring hindi ko iyon makakalimutin pero sana ang nararamdaman ko ngayon ay makalimutan ko na.

Ipinikit kong muli ang mga mata ko, hinayaang lamumin ng antok ang aking diwa. Hanggang sa kusa na akong nakatulog sa kawalan.

' Sana sa paggising ko ay mawala n ang sakit na ito.'

Nang magmulat ng mata ay muling yumakap sa akin ang sakit. Muling nangilid ang aking luha nguni't agad ko rin iyong pinunasan gamit ang ibabaw ng kamay ko. Akala ko sa pagmulat ng mga mata ko ngayon ay wala na ang sakit na nararamdaman ko nguni't nagkakamali ako.

Hindi ako kumilos, hindi rin ako tumayo. Hinayaan ko lang ang sarili ko na nasa ganitong sitwasyon. Masyadong nanghihina ang buong katawan ko. Parang pagod ang isip ko. Inaantok ako pero hindi ko kayang matulog.

Hindi ko alam kung paano ko paaalisin ang sakit na ito, ayoko nang maramdaman ito, pero wala akong alam na paraan para mawala ito nang biglaan.

Dumaan ang tanghali pero hindi parin ako bumabangon. Tinatawag ako nila mommy pero hindi ko sila kayang sagutin. Kumatok na rin si daddy pero miski siya ay walang nagawa kundi ang hayaan ako.

Nararamdaman ko ang gutom pero hindi ko nararamdaman ang pagkulo ng tiyan ko. Masyado parin akong lunod sa pag-iisip ng mga bagay-bagay kaya hindi ko iyon nararamdaman.

Masyado kasing nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko kaya ang ibang pakiramdam ay hindi ko na maramdaman.

Lumipas ang maghapon nang nasa ganito parin akong sitwasyon. Nakahiga at nakatulala. May minsan pang kinakausap ang kisama. May minsan ding tinatanong ko ito kung saan pa ako nagkulang.

' Nagkulang nga ba ako o hindi lang siya nakontento sa mga pinapakita ko?' 

Muli na naman akong napangiti nang mapait.

' Hindi naman siya maghahanap ng iba kung naging sapat ako hindi ba?'

Mapait ang katotohanan pero tinanggap ko dahil iyon lang naman ang kaya kong gawin.  Ang tanggapin ang mga bagay na siyang hindi ko kayang higitan mula sa iba. 

Muling lumipas ang oras at masyado nang madilim. Kahit ang pagbukas ng ilaw ay hindi ko magawa. Salamat sa buwan na siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kwarto kong madilim.

Ipinikit ko ang aking mga mata, hinayaan ang luhang dumaloy sa aking pisngi.  Hinayaan kong muli ang antok na lamunin ang diwa ko.

' Sana sa muling paggising ko ay wala na ang sakit na nararamdaman kong ito. Sana sa pagmulat ng mga mata ko ay ayos na ulit ako. Sana sa pagbukas ng mga mata ko ay hindi na siya ang hahanapin ko..'

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon