KABANATA 5

86 4 0
                                    

Marahan ang aking paglapit sa gawi nila, hindi parin ako napapansin ni George hanggang sa gulat itong napatangin sa akin nang maupo ako sa tabi niya.

"G-Greg?" muling kinurot ang puso ko sa pagtawag niyang iyon sa akin.

' It should be 'BABE' George, not Greg. Tsk..'

"Parang gulat ka ata. Naistorbo ba kita?" Pinipilit kong hindi maging sarkastiko nguni't muling nagkukusa ang tono ko. Napalunok naman siya at marahang umusog sa tabi ko. Nawala tuloy ang pagkakaakbay niya sa katabi niya. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa katabi niya at binigyan siya ng pekeng ngiti.

"Hello Venice, musta ka?" Pekeng ngiting bungad ko sa kaniya. Hindi naman siya mapakali at hindi niya alam ang gagawin niya. Sa ikinikilos ng dalawa ay nakaramdam ako ng selos. Wala namang kaso sakin na mag-usap sila eh. Walang kaso sakin na kahit mag-ex na ay hindi na dapat nag-uusap pa. Ang akin lang is, nagseselos ako dahil sa paraan ng pag-uusap nila. Hindi man literal na nakaakbay si George sa kaniya pero yung point na kapag nag-uusap sila nang malapit sa isa't-isa pati ang position ng kamay ni Greg na malapit sa kaliwang kamay ni Venice, kulang na lang ay ipatong ni Venice ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni George ay para magmukha na silang sweet sa isa't-isa at sabayan pa ng mga reaksyon nilang hindi tugma sa sitwasyon ay talaga namang makakaramdam ako ng selos. Pinipilit ko talagang huwag magselos dahil ayokong mag-isip nang kung ano-ano. May tiwala rin naman ako kay George kaya alam kong hindi niya magagawa yung mga bagay na nagagawa ng iba.

Binura ko sa isip ko ang selos at nagpatuloy sa pagtitig kay George na hindi naman alam ang gagawin maging ang sasabihin.

"Dumaan lang naman ako rito para ibigay yung gift na binili ko para kay Vince." Panimula ko nang hindi parin ako nakakatanggap ng ni anong salita mula sa dalawa. "Aalis din ako maya-maya kaya maaari niyo nang gawin yung mga bagay na naudlot nung umupo ako." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sabihin iyon. Sinabi ko rin sa sarili ko na aalisin ko na ang pagseselos pero mukhang nagkukusa ang isip ko na utusan ang bibig ko na sabihin ang laman ng nasa isip ko. Gulat naman akong tinignan nu George habang si Venice naman ay umiwas ng tingin. Napangisi ako sa ginawa nilang iyon.

"H-Hindi ko lang kasi alam na dadating ka b-babe." Pahinang pahina ang boses ni George nang sabihin niya iyon. Sakto lang din na ako lang ang makarinig sa sinasabi niyang iyon.

"Hindi mo talaga alam dahil hindi ka naman nagtanong. Hindi ka rin naman nagsabi sa akin. Ni kamustahin nga ako ay hindi mo nagawa eh. Pero naiintindihan naman kita kasi alam ko namang busy ka s acads mo. Pero hindi ko alam na pati rin dito ay busy ka." pinipilit kong patatagin ang sarili ko dahil kung ipapakita kong mahina ako ay baka magkaroon pa ng eksena rito. Wala akong kilala rito bukod sa kanilang tatlo. Dahil halos lahat ng nandito ay mga kaibigan nila. Kaya magiging lugi ako sakaling gumawa ako ng eksena dahil nakipasok lang naman ako.

"S-Sorry na, tinanong ko rin si Vin kung pupunta ka eh ang sabi niya ay hindi ka pupunta kaya ang akala ko ay busy ka rin. S-Sorry talaga." Sambit niya na hinawakan pa ang kamay ko. Napapikit ako at pinigilan ang bugso ng damdamin ko. Naniniwala ako sa kaniya pero hindi parin enough yon para kalimutan niyang nandito ako. Tsk

Hindi na ako nagsalita pa at ilang minuto lang din ay dumating na si Vin na may dalang platong naglalaman ng Carbonara, shanghai at mashed potato na nilagyan sa ibabaw ng gravy. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang maamoy iyon.

"Pasensya na yan lang handa ko hehe. Masarap yan ako nagluto eh" sambit ni Vin matapos ilapag ang plato sa harap ko. Iniabot niya naman sakin ang tinidor na agad ko ring kinuha. "Tikman mo dali." excited na sambit niya pa at natawa naman ako. Kaya naman ay kumuha ako ng shanghai gamit ang kaliwang kamay ko at rumolyo naman aki ng carbonara at agad na tinikman iyon.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon