KABANATA 29

20 4 0
                                    

Matapos ang pagsalo-salo namin ay nagpasya nang umuwi si Dion. Masyado na ring late kaya nang makapagpahinga siya matapos kumain ay nagpasya na siyang umuwi.

"Kung pwede lang na makasama ka buong magdamag ay nagawa ko na." Malumanay na sambit niya. Malamlam ang mga matang tumitig siya sa akin. "Parang ayoko nang matapos ang gabi basta ikaw ang kasama ko. Ampangit lang kasi mukhang nagmamadali ang oras, masyadong mabilis ang takbo, tsk..." Dagdag niya pa at napangiti naman ako dahil parehas kami ng nararamdaman.

"Gusto rin kitang makasama pero wala eh need mo paring umuwi." nagliwanag ang mukha niya nang sabihin ko iyon. Nahawa ako sa ngiti niya kaya napangiti narin ako. Ang cute eh.

"Jan na lang ako tulog, tabi tayo." Pilyong sambit niya at bahagya ko naman siyang hinampas sa braso.

"Loko ka!" Namumulang suway ko, lalo akong nakaramdam ng pamumula nang lumawak lalo ang ngiti niya. Nang-aasar.

"Eh ano ngayon?, Pareho naman tayong lalaki."

"Adik ka talaga eh noh?" Namumula ang mukhang umiwas ako. Hindi ko alam kung saang rason, kung sa kilig ba, sa inis, o sa hiya? Kung anu-ano kasi ang sinasabi niya. Nakakawindang!

"Maybe sa 'yo, yes. Isusuplong mo ba ako kung sakaling maadik lalo ako sa 'yo?" Pakiramdam ko ay kulay kamatis na ang mukha ko dahil sa pinagsamang inis, hiya, at kilig na nararamdaman ko.  Tahimik naman siyang tumawa pero hindi iyon naligtas sa tenga ko dahil narinig ko parin. "Ang cute mo lalo na kapag kinikilig ka, gaya ngayon." dagdag niya pa na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko at nagpainit lalo ng mukha ko.

"Sige na mauuna na ako masyado ng late. Pahinga kana." lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napapikit naman ako nang maramdaman ang marahang paghalik niya sa noo ko. "Good night, have a sweet dreams. Sleep well." napangiti ako at marahang nagmulat ng mga mata. Nagtama ang aming tingin, muling kumislap ang mata niya sa paningin ko. Nangungusap din ang kaniyang mga mata, tila mayroon pang gustong sabihin nguni't tila nagtatalo ang isip at puso nito.

"Good night, sleep well." Nakangiting sambit ko, muli niya akong niyakap hanggang sa siya na ang kusang bumitaw.

"Sige na pumasok kana sa loob."

"Hintayin kitang makaalis bago ako pumasok."

"Hindi na, sige na mauna ka na saka ako aalis kapag nakapasok kana sa loob." wala na akong nagawa pa kundi ang pumasok na lang. Pagkapasok ko ay hinintay niya pa munang ilock ko ang gate bago siya umalis.  Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko na naabutan sila mommy sa sala, wala ng tao. Umakyat na ako at agad na ibinagsak ang katawan sa malambot kong kama. Agad namang tumama ang mata ko sa kisame at doon ay nag-isip. Biglang lumitaw ang pogi at nakangiting mukha ni Dion. Hindi ko tuloy maiwasang hindi pamulahan ng mukha lalo na nang maalala ang paraan ng pagyakap at paghalik niya sa noo ko.

Nagawa naman na ni George iyon sa akin noon pero iba parin ang pakiramdam kapag si Dion na ang gumawa. Parang bago sa akin.

Nalunod ang isip ko sa kakaisip hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

KINABUKASAN, nagmulat ako ng aking mga mata nang marinig ang pagvibrate ng phone ko. Inaantok ko iyong kinuha at agad na sinagot ang call.

{Morning.} napabalikwas ako ng tayo nang marinig ang malalim at malambing na boses ni Dion. Hindi agad ako nakapagreact dahil sa gulat.

{Nagising ba kita?} Muling dagdag niya, huminga muna ako nang malalim saka siya sinagot.

"M-Morning, hindi naman. Kagigising ko lang din." tugon ko, mahihimigan parin ang pagkaantok.

{Ahh... Kumain kana?}

"Hindi pa, kagigising ko lang eh. Baka after kong maghilamos ay bababa na ako. Ikaw ba?"

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon