Dali-dali akong lumabas ng Ministop at mabilis na tumakbo papunta sa bahay. Nang marating ang gate namin ay humihingal akong nagpahinga. Nang mahimasmasan ay pumasok na ako. Agad naman akong napansin ni daddy.
"Oh nasan yung mga binili mo?" Takang ni daddy nang makitang wala akong dala ni isa.
"Ahh... Hehe nagkulang po kasi ang dala ko eh. Akala ko sakto lang." paliwanag ko at umiling naman si daddy.
"Oh siya kunin mo na to para makabalik kana." Abot niya sa isang libo nguni't hindi ko parin iyon kinuha dahil alam kong walang barya ang kigwang iyon.
"Wag na po yan, baka po may 200 kayo jan. 200 na lang po kasi kulang eh hehe." Muling dumukot si daddy sa wallet niya at saktong may 200 na buo ron kaya kinuha ko na iyon at saka nagpaalam. Muli akong tumakbo at hinihingal na pumasok sa loob. Nakita ko siya sa dulo ng pasilyo kaya naman ay lumapit ako sa kaniya at tinignan siya.
Kasalukuyan siyang nakapikit ngayon kaya nagagawa kong pag-aralan ang kabuohan niya. Dumako muli ang atensyon ko sa makapal nitong kilay. Napakaperpekto ng pagkakapal nito dahil talagang bumagay sa sisingkitin niyang mga mata. Bumaba naman ang atensyon ko sa singkit niyang mata, hindi ganon kakapal ang pilikmata niya pero bagay naman sa kaniya dahil mapilantik ang dulo nito na lalong nagbigay ng kagandahan sa mata niya. Dumako naman ang mata ko sa matangos niyang ilong hanggang sa bumaba ang tingin ko sa magandang hugis ng labi nito. Hindi na ito ganon ka pinkish gaya nung nakaraan dahil medyo mamula mula na iyon at dun ko lang napansin ang sugat sa gilid ng labi nito. Pinakatitigan ko ang kabuohan ng mukha niya. Mukha siyang mabait kapag tulog, kaya mas magandang tulog na lang siya.
Natawa ako sa biro kong iyon.
"Tapos kana bang pag-aralan ang mukha ko?" Bigla akong nakaramdam ng hiya nang magsalita ito. Dahan-dahan ang pagmulat niya ng mga mata at sakto namang nagsalubong ang aming tingin. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil para akong hinihigop ng mga titig niyang iyon. Bumuntong hininga ako at saka iniabot sa kaniya ang 200 na buo. Taka niya naman iyong tinignan. "Ano yan?" Walang ganang tanong niya at napamaang naman ako sa katangahan niya. Wala atang common sense ang isang to.
"Pera malamang. Ito na ung bayad ko ron sa kulang ko. " nauubusang pasensya na sambit ko. Bumuntong hininga lamang siya at saka hinawi ang kamay kong iniaabot ang pera.
"Hayaan mo na, hindi naman kita sinisingil. Bumawi kana lang sa susunod." walang ganang sambit niya. Nagkunwari ulit siyang humikab upang ipakita sa akin na inaantok na siya. Napairap naman ako sa inis.
"What??" iretableng sambit ko. Pinakita ko talaga na naiirita na ako sa kaniya pero parang wala lang iyon sa kaniya.
"Ano?" Naparolyo ako ng aking mata nang ibalik na naman niya sa akin ang aking ' ANO' "Ge na, sa sunod na lang ikaw bumawi." Muling dagdag niya
' So may balak pa siyang magkita kami? Kaumay ah At hindi raw niya ako sinisingil pero pinapabawi niy ako sa susunod. Gg ampt... kaurat ang adik na to!.' inis na sambit ko at saka kinuha ang mga pinamili ko.
"Ok." sambit ko at saka siya tinalikuran. Masyado siyang mayabang, hindi ko na kayang tumayo sa harap niya dahil baka matangay na ako ng kayabangan niya. Nang makalabas ay narinig ko rin ang pagbukas ng pinto ng Ministop, hindi ko man tignan kung sino iyon dahil alam ko na kung sino ang lumabas don. Kaming dalawa lang ang costumer sa loob kaya hindi na yon kataka-taka pa.
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...