Kasalukuyan parin akong nakayakap kay Dion, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Siguro marahil ay nabigla din siya at natakot kaya ganito na lang kabilis ang tibok ng puso niya. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano dahil alam ko namang hindi tugma sa sitwasyon. Nang makarecover ay kusa na siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at galit muling tumingin sa akin.
"Magpapakamatay ka ba?" Galit na sambit niya at napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang mga titig niyang iyon. May kung ano sa loob ko na parang kinukuha ang kaluluwa ko, ewan bakit ko nararamdaman iyon sa tuwing titingin ako sa mga mata niya.
"Sabihin mo lang kung magpapakamaty ka dahil ako mismo ang papatay sa 'yo ora mismo." Muling galit na sigaw niya kaya natahimik ulit ako. Ewan ko rin kung bakit sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay kumakalma ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Hinawakan niya ang aking baba at iniharap iyon sa mukha niya. Marahan niya namang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at saka ngumisi. Sa pagngisi niyang iyon ay muling tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam iyon pero bigla na lang akong kinakabahan sa tuwing ngingiti o di kaya ay ngingisi siya sa harapan ko. "Sa paanong paraan mo gustong mamatay? Ung paunti-unti o yung biglaan?" Iyon lamang ang sinabi niya pero bigla akong napalunok dahil sa kakaibang pag-iisip. Natatarantang lumayo ako sa kaniya. Marahan muli siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko at hinapit papunta sa kaniya. "Dito ka lang sa tabi ko, ayokong nawawala ka sa paningin ko dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyaring masama sa 'yo." Nakaramdam ako ng pagkagitla sa sinabi niyang iyon. Masyado siyang seryoso, hindi ko rin narinig ang pabirong tono kaya ang lumabas sa akin ay napakalaking epekto non. Sumobra rin ang tibok ng puso ko dahilan upang matulala na lang ako sa kaniya. Ilang sandaling pagkagulat ay natinag ako sa malakas na pitik nya sa noo ko.
"Assuming ka hindi yon gaya ng iniisip mo hoy." Naka hinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon pero hindi ko alam kung bakit may parte sa loob ko ang nanlumo sa sinabi niyang iyon.
"A-Ano bang ginagawa mo rito?" biglang tanong ko, nangunot naman ang noo niya at saka muling tumingin sa akin.
"Nililigtas ka." Tugon niya pero hindi non nasagot ang tanong ko.
"I mean bakit ka napunta rito."
"Nakita kita kanina at nung nakita kitang wala sa sariling tatawid ay tumakbo agad ako sa gawi mo then ayon na nga..." Napapikit ako sa inis sa sagot niyang iyon. Inis naman akong tumingin sa kaniya at malapad na ngiti naman ang iginawad niya sa akin.
"De jok lang. Galing kasi akong Robinson, pumunta ako sa National Bookstore para bumili ng mga art materials. Then gaya nung sinabi ko, habang nasa jeep ako nakita kita sa di kalayuan kaya bumaba ako dahil wala ka sa katinuan. Then nakita ko yung katangahan mo na tatawid ka na wala ka sa ulirat ay agad akong tumakbo papalapit sa iyo then kinuha ko ang braso mo at niyakapa.ka kaagad. Baka yung pagyakap ko eh masamain mo at bigyan mo pa ng malisya." Kwento niya at napapahiya naman akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam na ganon na pala kalala ang nararamdaman ko kanina. To the point na pati ang iba ay nahahalata na. "Kung ano man iyang nararamdaman mo hayaan mo lang. Hindi ko naman sinabi na huwag mong alisin,, ang ibig kong sabihin ay hayaan mo lang ang sarili mo na maramdaman iyan dahil alam kong after nyan ay maganda na ang kalalabasan. Ngayon nasasaktan ka sa sitwasyon pero sa mga ibang araw ay lilipas din yan at mapapalitan ng panibagong memories, maaaring saiyo mismo o di kaya sa ibang tao." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Hindi naman ganon kalalim pero naiintindihan ko naman ang pinupunto niya. May kung ano rin ang humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Gumaan ng kaonti ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa mga mata niya. May kung anong kislap akong nakikita roon. Nang magtama ang aming paningin ay ako na ang umiwas dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niyang iyon. Pakiramdam ko ay hinihigop non ang kaluluwa ko.
BINABASA MO ANG
It Started in San Andres St.
RomanceDahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita silang street doon na kung saan ay napakaraming kumakain. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan nila ito at...