KABANATA 13

32 3 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata, yumakap agad ang kalungkutan sa puso ko dahilan upang tamarin akong tumayo.  Hindi parin nawawala ang sakit na dulot ng nakita ko kagabi. Nakarehistro parin sa aking isip ang paraan ng paghalik ni George kay Venice. Gusto kong magalit pero pakiramdam ko ay wala na akong karapatang gawin iyon, pakiramdam ko ay wala na akong karapatang magalit dahil baka lalo lang akong masaktan kapag lumabas na ang buong katotohanang hindi na ako.

Umakyat ang kirot sa puso ko dahilan upang mangilid muli ang aking luha. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumayo. Nagtungo ako sa banyo at muling inayos ang sarili ko.

Pinakatitigan ko ang aking repleksyon sa salaming nasa harapan ko. Pinag-aralan ko ang kabuohan ng mukha ko. Masyadong namamaga ang ibaba ng aking mata. Namumula-mula na tila nagmula o katatapos lang sa pagluha. 

Lumabas na ako ng banyo at walang ganang bumaba. Nakita naman agad ako ni mommy at agad na nilapitan.

"Omygad! What happen to baby?"  Nag-aalalang tanong nito. Pilit na ngiti lamang ang iginanti ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Tahimik akong kumain at hindi narin ako tinanong pa ni mommy. Nang mtapos ay muli akong umakyat sa kwarto at nakahigang pinakatitigan ang kisame.

Hindi ko alam kung paano ako uusad ngayon gayong sakit ang aking nararamdaman. Alam ko ring sa paglipas ng mga araw, linggo, buwan o taon ay lilipas din ang aking nararamdaman.

Masyado akong nasanay na nasa tabi ko siya kaya ngayon ay iisipin ko pa lang na wala na kami ay parang hindi ko na kaya. Para akong inagawan ng kasiyahan kaya puro lungkot na lang ang aking nararamdaman.

Tahimik akong humikbi at hinayaang muling  lamunin ng sakit ang aking dibdib.

Lumipas ang buong maghapon na nagmukmok lang ako sa kwarto. Hindi ako lumabas at bumaba. May minsan pang naririnig ko mommy na kumakatok sa pinto, kinakamusta ako pero sinasabi ko lang na ok ako at may klase ako. Totoo na may klase ako pero hindi ako totoong ok.

Nakikinig ako pero nakalutang ang isip ko kaya wala akong naiintindihan sa mga  huling lesson namin ngayon. Ilang beses na rin akong tinawag at napagalitan kanina pero bale wala lang iyon sa akin dahil wala naman don ang isip ko.

Dumating ang gabi nang marinig kong kumatok muli si Mommy. Kaya naman ay inayos ko na ang sarili ko at pinagbuksan siya ng pinto. Nakangiti siyang lumapit sa akin at yinakap ako. Gumaan naman ang pakiramdam ko kaya yumakap ako pabalik sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi at malungkot naman siyang tumingin sa akin.

"I know na you have a problem baby. Hindi mo man sabihin sa amin pero nararamdaman ka namin ng daddy mo."  Panimula ni mommy, pinipigilan ko naman ang emosyon ko. Tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Gaya nung mga sinasabi namin sa iyo dati na kapag may problema ka nandito kami ni daddy, makikinig sa iyo. Huwag mong solohin ang problema mo baby, nandito kami ng daddy para tulungan ka. Oh siya you have a visitor. Magprepared kana kasi kanina pa siya nandito mabuti na lang din ay pinagbuksan mo na ako ng pinto."  Pagkasabi non ni mommy ay bumilis ang tibok ng puso ko. May kung ano sa dibdib ko ang nagkaroon ng kasiyahan. Hindi ko na rin tinanong kung sino iyon dahil kilala ko na agad siya.

Minadali ko ang pagligo kaya ilang minuto lang din ay natapos na ako. Hindi na ako namili pa ng damit na susuotin at tinignan ko pa ang sariling repleksyon sa salamin. Huminga ako nang malalim at sa di inaasahan ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon. May balak din akong kausapin siya about sa nangyari. Sa maghapong pag-iisip ko ay nakabuo ako ng isang desisyong makakapagbigay ng kalayaan sa nararamdaman naming dalawa.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon