Chapter 2

55 4 0
                                    

Lumiere's Pov

Nandito kami ngayon sa isang stadium. Napakalawak nito na hindi mo aakalaing may school na gantong kalaki ang stadium.

"Dito ba gaganapin ang game?" tanong ni Gaille.

Walang sumagot sa kan'ya dahil hindi rin naman namin alam.

"Good afternoon students!" masiglang bati ni headmaster.

"Excited na ba kayo? Wala akong naririnig!" dagdag pa nito.

Naghiyawan naman ang iba na kinangiwi ko.

"Dahil first day natin ngayon, mayron tayong bago laro. Excited na ba ang lahat?"

Walang tigil ang hiyawan ng mga estudyante. Parang kanina lamang ay hindi sila makausap.

Maya-maya pa ay may bumukas ang isang malaking screen. Nakikita rito si headmaster na tila nanalo sa lotto sa laki ng ngiti.

"Simulan na natin!" sigaw naman nito.

Maya-maya pa ay napalitan ng mga mukha ang nasa screen. Mga estudyanteng nakalimang grupo ang biglang nagshuffle ng mabilis.

"What's happening?" rinig kong bulong ni Eirene.

Maya-maya pa ay tumigil na ito, at kung minamalas kanga naman ay kami ang natigilan nito.

"Ang ating mga transferees, halina kayo at bumaba rito."

Naguguluhan man ay, tumayo kami. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ko alam kung anong hudyat mga titig nila sa amin. Kung awa ba? Tuwa? Takot? Bakit kasi kami agad ang napili.

Habang bumababa kami ay nagsimula na namang mag shuffle ang nasa screen.

"Nakakaawa sila," rinig kong sabi ng isa.

Alam kong narinig din ito ni Della dahil tumaas ang kan'yang kilay. She's showing her bitchy side again, and I love it.

Maya-maya pa ay tumigil ito sa limang babae. Naghiyawan naman ang mga estudyante.

"The top students pa talaga, kawawa naman sila. Mukhang hindi na sisikatan ng araw bukas," rinig ko na namang sabi ng kung sino.

Top students ha? We don't know what's happening. But we will show you all what we got.

Maya-maya pa ay nakababa na kami. Nandon na rin ang limamg babaeng nakangisi sa amin.

Ang isa sa kanila ay walang ekspresyon na siyang pinakamalakas ang aura, ang isa ay tila hinuhusgahan na kami, isang mukhang goons sa dami ng tattoo, ang isa naman ay mukhang mabait, at ang isa naman ay tila wala ng suot.

Third Person's Pov

Habang gulong-gulo ang limang magkakaibigan. Ang mga babaeng top students naman ay malaki ang ngiti. Tila sigurado na silang, sila ang magwawagi.

"Hindi maganda 'to," komento ni Dillon.

Ang top students ay may sariling upuang para sa kanila sa gitna kung saan kitang-kita nila ang pwedeng mga mangyari.

"Viy's group is known for they brutally. Masyado rin silang madumi maglaro. I hope na maka survive ang mga transferees," nakahalukipkip na sabi ni Calum.

Viy Puentes is the smartest and strongest among them. She is rank 6 student. Everyone in the university respects her. Kinakatakutan din ito kaya walang nagtatangkang lumapit dito kahit lalaki bukod sa grupo nila Ethan. Queenie Delmar is the bitch of the group, ang ma attitude sa kanila na akala mo reyna. She's the rank 12. Faint Ross is know for being kind and humble. Masyado rin siyang mahinhin pero hindi maitatanggi na magaling din siya, after all, she's the rank 7. Zawi Rome is the one who's full of tattoos. Masyado rin siyang basagulera at walang inuurungan. She's the rank 10. Kelly Maige is the one who always flirt. Hindi man sila malapitan ng mga lalaki ay siya na mismo ang lumalapit sa mga ito. Masyado siyang obsess sa mga lalaking magugustuhan niya. She's the rank 13.

Uriel UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon