Third Person's Pov
"Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ng lalaki.
"Yes sir, everything is settled na."
Isang ngisi ako pinakawalan ng lalaki.
...
"Omg huwag kayong humarang si my loves na!" sigaw ni Maeve na siyang kinatingin ng ilan sa mga estudyante.
Napailing na lamang sila Della.
Sa kabilang banda, walang hirap na pinakawalan ni Ethan ang unang arrow niya para sa first level.
Sigawan naman ang mga manonood dahil naka bullseye ito ng walang kahirap-hirap.
"My love ko 'yan!" nangungunang sigaw ni Maeve.
Napailing nalang si Ethan dahil rinig na rinig niya ang boses ni Maeve.
Muling pinakawalan ni Ethan ang arrow na nagresulta sa bullseye. Wala namang tigil ang sigawan at nangunguna na rito sa Maeve.
"Hindi ka ba nawawalan ng boses?" curious na tanong ni Zale kay Maeve.
"Hindi siya nawawalan," sagot ni Gaille.
"Ay epal, hindi naman siya tinatanong," pang-aasar na sabi ni Zale.
Bago pa sila magbangayan ay pumagitna na si Della sa dalawa.
Matapos ianunsyo ang mag mo move sa sunod na round ay agad namang bumalik sila Dillon, Lumiere, at Ethan sa kanilang mga kaibigan.
"Ang galing mo naman my love," tuwang-tuwa bungad ni Maeve kay Ethan at agad na itong inabutan ng tubig.
Tinanggap naman ito ni Ethan kaya halos umirit na si Maeve.
"Magaling din naman ako, bakit hindi ako nakatanggap ng congrats sa 'yo?" seryosong sabi ni Lumiere.
"Huwag kana magselos babe, lagi ka naman magaling. Pakiss nga," natatawang sabi ni Maeve at kiniss sa cheeks si Lumiere na wala manlang reaction.
"Sus ikaw nga 'tong may best friend na nag-aasikaso," dagdag pa ni Maeve na diniinan ang salitang best friend.
"Let's go, nagugutom na ako," pagyaya ni Gaille sa mga kaibigan.
Pumunta naman sila sa canteen at kagaya ng dati, ang mga lalaki na ang kumuha ng mga order.
"Sana all gentleman," nakangusong komento ni Maeve dahil nakikita niya kung paanong pinagsilbihan ni Dillon si Lumiere.
"Gusto mo bang subuan kita?"
Nanlalaking matang humarap si Maeve kay Ethan nang marinig niya 'yon. Napairit na lamang ito ng wala sa oras dahil nakatingin sa kan'ya si Ethan.
Napatakip na lamang ng tenga ang magkakaibigan.
"Gusto mo ba ulit nung headphones?" bulong ni Dillon kay Lumiere. Umiling na lamang si Lumiere at nagpatuloy sa pagkain.
Naging normal lang ang daloy ng kanilang pananghalian. Nagbabangayan si Gaille at Zale, n
Hinaharot ni Maeve si Ethan, nagkukwentuhan si Eirene at Aslan, kinukulit ni Dillon si Lumiere, at tahimik lang si Della at Calum."Goodluck later."
Agad na napaubo si Gaille, Maeve, Dillon, at Zale sa sinabi ni Calum kay Della.
"Ah, thank you!" alanganing sagot ni Della.
"Awkward," natatawang bulong ni Eirene na siyang narinig ni Aslan kaya nakitawa rin ito.
Pagkatapos nilang kumain ay pumunta na sila sa badminton court.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.