Gaille's Pov
Nandito na kami ngayon sa dorm. Mabilis ding nakatulog si Lumiere, dahil sa pagod siguro.
"Hapon pa naman tayo diba?" Maeve asked. I nodded.
"Pwede bang huwag na tayong manood ng ibang games? Katamad manood pag wala naman tayong representative," nakangusong reklamo ni Maeve.
"May representative maya group natin?" kunot noong tanong ni Eirene.
"What I mean, wala sa ating sampu kaya katamad," Maeve said.
"Pwede naman daw huwag manood according to Calum pero kailangan pa rin natin pumunta sa canteen for attendance," Della said.
Napataas naman ang kilay ko.
"Kailan pa kayo naging close ni Calum?" I asked.
Nakangising tumingin naman si Maeve at Eirene sa kan'ya. Tinaasan niya kami ng kilay.
"What? Hindi ba pwedeng nabanggit niya lang kanina? Hindi kasi kayo nakikinig. Sinabi niya 'yon," pagdepensa nito sa sarili na siyang kinatawa namin.
"Shhhh," sabay-sabay naming sabi nang makita naming gumalaw si Lumiere at mahina naman kaming humagikgik.
...
Nakatungo lang kami rito sa canteen. Kainis kasi, aga-aga kaming ginising ng mga lalaki. Nagulat nalang kaming may nakalampog sa pinto.
"Pwede bang bumalik na sa dorm para matulog," reklamo ni Maeve.
"Nope, we're going somewhere," Ethan said.
"Where? Sa gate? Can we go out na?" I joked.
Hindi porket nasasanay na kami eh ayaw ko na umalis dito. God knows kung gaano ko kagustong umalis dito.
"Actually, kahit kami hindi namin alam ang daan palabas," Dillon said na siyang kinaagaw ng attention ko.
"What? Akala ko ba nakakalabas kayo kasi top students kayo," kunot noong tanong ni Maeve.
"Yep but naka blindfold kami hanggang sa makarating kami sa labas."
I nodded.
"Eh bakit pa kayo bumalik dito?" I asked.
I'm so curious. Kung nakakaalis sila, bakit pa sila bumabalik dito?
"Sinusundo kami mismo sa bahay namin and kung itatanong mo bakit hindi na lang kami magpakalayo-layo, pag nakakalabas kami rito ay may mga matang nakasunod. Once na nakadikit ka pa rito sa university, hinding-hindi ka makakaalis," bulong ni Dillon.
"So you're telling us na miski pagpunta sa pulis pagkalabas ay walang magagawa?" Lumiere asked.
"Yep since may connections sila. Saka nandito tayo sa school na 'to ay dahil sa atin din naman so parang consequence na 'to."
What now? Bigla nalang akong nawalan ng pag-asa.
"Detective si tito diba?"
Agad na nanlaki ang aking mga mata.
"Oonga! My dad is a detective so once na nakalabas tayo rito, pwedeng-pwede tayong makahingi ng tulong!" na eexcite kong sabi.
"Need natin makapasok sa ranking for that," Della said seriously.
Now, I see hope. We just need to do our parts.
"Saan pala tayo pupunta at bakit ganto kaaga?"
"Sa dorm namin."
Literal na nag blank face ang mukha naming lima. Really?
"Ah basta tara na," Dillon said.
Wala kaming nagawa kundi ang sumunod.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.