Third Person's Pov
Sabay-sabay na napatayo ang grupo nila Ethan nang mag flash sa screen ang kanilang mga mukha.
"What the heck? Bakit tayo?" inis na bulaslas ni Dillon.
"Hays, I want to kill and enjoy pa naman pero mabait na ako ngayon sa grupo nila," komento ni Zale.
"Pero pwede naman sigurong pagtripan ko muna mamaya si Gaille diba?" nakangising dagdag nito.
Si Calum ay hindi pa rin naimik. Hindi niya naisip na maari pala silang magkalabanan.
"Maybe, ang isang talo ay hindi naman makakabawas sa atin diba?" komento naman ni Ethan.
"You should decide, Cal," bored na sabi ni Aslan.
Hindi makapag-isip ng ayos si Calum.
"Tingnan muna natin kung ano ang game," 'yon na lamang ang nasabi niya bago sila bumaba sa stage.
Nang magkatapat sila ay nakakabinging katahimikan ang nangyari.
Parang kanina lang nang makipagkaibigan sila, tapos ngayon magkaaway na sila.
"Mukhang excited na ang lahat para sa laro," masiglang sabi ng headmaster.
Natutuwa siyang pagmasdan ang dalawang grupo na tila hindi alam ang gagawin.
"The game is just so simple. Matira matibay lang sa loob ng isang kwarto," nakangiting anunsyo nito.
"What the f*ck?" inis na bulaslas ni Calum.
"Ano bang trip ng matandang 'to," inis na bulong ni Dillon.
Gusto mang magsaya ni Zale sa narinig na laro pero hindi pwede. Kailangan nilang protektahan ang mga babae.
"Let's just surrender," Ethan said.
"It's okay for me," komento ni Aslan.
Napatangin naman sila kay Zale.
"May magagawa pa ba ako? Hindi naman siguro mababawasan ang angas ko kung hahayaan natin silang manalo?" nakasimangot na sabi nito.
Naglakad palapit si Calum sa headmaster.
"We surrender," seryosong sabi nito.
Napangisi na lamang ang headmaster.
"Okay we have a winner! Calum's group surrendered," anunsyo nito.
Lumiere's Pov
Isang nakakabinging katahimikan ang nangyari sa paligid dahil sa anunsyo.
"Tama ba ang narinig ko?" nanlalaking matang sabi ni Maeve.
Tila natauhan ang mga istudyante dahil bigla silang nag-ingay. Sari-saring reaction at nangunguna na rito ang pagtataka.
"What's with them? Sayang lang paglabas ko!" inis na sabi ni Reine.
Napatingin ako kay Dillon na ngayo'y nakatingin sa akin.
Kinunutan ko siya ng noo pero nginitian niya lang.
Sobrang weird talaga ng lalaking 'to, pasalamat siya pumayag na akong makipagkaibigan sa kan'ya.
Sinabihan na kami ng headmaster na maaari ng umalis. Dumiretsyo naman kami sa labas. Buti na lang dahil gusto ko ng matulog.
"Hey wait!" rinig kong sigaw ni Dillon
Napatingin kami sa grupo nila.
"Hi!" nakaway pang bati ni Dillon nang makalapit sila sa amin.
"Bakit niyo ginawa 'yon?" seryosong tanong ni Della sa kanila.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.