Lumiere's Pov
It's 6pm at nandito akong nag-iikot sa campus. Mag-isa lang ako ngayon kasi ayoko ng kasama. Alam kong sinabihan kami ni Della na huwag umalis mag-isa pero naboboring na ako sa dorm. Nakahiga lang naman sila.
Kanina lang natapos ang games at kagaya nga ng inaasahan, hindi namin makausap ng matino si Eirene.
Ngayon, nakaupo ako sa isang bench dito sa parang mini park ng school. Ang astig talaga nito, feeling ko may mall din dito.
"Hello!"
Agad kong nilingon ang lalaking umupo nalang bigla sa tabi ko at tumingin ulit sa kawalan.
"Hoy sabi ko hello!" Sabay kulbit sa akin.
"Ha? Ako?" kunot noo kong tanong habang nakaturo sa sarili ko.
"Malamang, sa 'yo ako nakaharap diba?" sarkastikong sabi nito.
Tumango naman ako at tumingin sa paligid.
"Hindi ka ba babati pabalik?" rinig kong tanong niya.
"Ha? Required ba?" kunot noong tanong ko rito.
"Ewan ko sa 'yo. By the way, I'm Dillon!" nakangiting sabi nito at inabot ang kamay.
Tiningnan ko naman ang kamay niya.
"Alam ko," sagot ko rito.
"Paano mo nalaman? Hindi mo manlang ba ako kakamayan?" kunot noong sabi niya.
First of all, required bang kausapin ko siya?
"Bakit naman kita kakamayan?" tanong ko rito.
"Nananakit naman ulo ko sa 'yo," bulong nito na siya namang narinig ko.
"Hindi pa naman kita inuuntog sa sahig ah. So bakit nananakit ulo mo sa akin?" kunot noong tanong ko ulit dito.
Tila nahihiyang inalis nito ang kamay niya sa harap ko.
Ang weird ko rin eh no. Bakit ko ba siya kinakausap?
"Gusto sana kitang maging kaibigan," masiglang sabi niya.
"Ayaw ko," agad kong sagot at tumayo.
"Ha? Anong ayaw mo? Lahat ng nandito gusto akong maging kaibigan. Crush din ako ng mga babae rito. Ikaw ha, kunwari ka pa. Swerte mo nga ikaw pinansin ko."
Napangiwi naman ako. Proud na proud siya sa sarili niya ha?
"Hindi nga kita gustong maging kaibigan so technically, hindi lahat ng nandito gusto ka maging kaibigan," sagot ko sa kan'ya at nagsimula ng maglakad paalis. Malapit na mag 7pm, hindi ko pa alam anong mayron pag natapos ang oras na 'yon.
"Teka! Gusto nga kasi kita maging kaibigan! Promise, sasagutin ko lahat ng tanong mo about sa school na 'to pag naging kaibigan mo 'ko! Alam kong curious ka."
Agad naman akong napahinto. Humarap ako sa kan'ya at nginitian.
"Sige, magkaibigan na tayo," nakangiti kong sabi at kinuha ang kamay niya para i shake.
I guess, hindi na ako mahihirapang maghanap ng information.
"Pero malapit na mag 7, tara na at ihahatid na kita sa dorm niyo," sagot niya.
"Ano bang mayron pag lagpas 7 na?" tanong ko rito.
"Bukas ka na lang magtanong. Hindi ito ang tamang oras," seryoso niyang sabi.
Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Calum's Pov
Napakunot ang noo ko dahil magkasamang naglalakad ngayon si Dillon at yung isang transferee na Lumiere ang pangalan.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystère / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.