Third Person's Pov
Tila hinang-hina na bumalik si Detective Viy sa headmaster. Umiiyak pa ito na tila takot na takot.
"Nakapasok na sila," hinang-hina na sabi nito bago bumagsak.
Takot naman ang namuo sa katawan ng headmaster. Hindi takot mahuli kundi takot na hindi matuloy ang kan'yang mga plano.
Tahimik lamang ang ibang opisyales sa kanilang pwesto. Para sa kanila ay madali lang nilang matatakasan ang mga iyon.
"Salubungin niyo sila, kailangan na naming umalis," utos ng headmaster sa isa sa kan'yang tauhan.
Sa kabilang banda, sinimulan na nila Aslan ang plano.
"Nawala yung guard, mukhang nagmamadali," pagbibigay alam ni Kelly.
"Edi maganda! Tara na!" Queenie said.
Madali naman nilang nabuksan ang gate ng kulungan dahil na rin sa nahulog ng guard ang susi malapit dito.
"Ang tanga naman nila, dapat una palang hindi na tayo natakot," sabat ni Kelly.
Nagkibitbalikat lamang ang mga kaibigan niya at nagsimula na silang kumilos.
"Hanapin muna natin sila Calum!" agad na sabi ni Aslan kay Viy.
"Hanapin mo, but didiretsyo na kami sa daan," walang emosyong sabi ni Viy.
"Oonga naman, bakit pa ako umasang uunahin nila ang iba," bulong ni Aslan sa sarili.
Bago pa man umalis ay hinawakan ni Faint ang kamay niya at inilingan.
"Huh?" tanong nito. Hindi niya maintindihan ang nais iparating ng babae.
"Huwag mo na silang hanapin, pag nakahanap naman tayo ng tulong ay matutulungan sila."
Ang mga katagang 'yon ang nagpabitaw kay Aslan sa kamay ng dalaga. Hindi niya maisip kung bakit ganon na lamang ang sinabi nito.
"Goodbye," seryosong sabi ni Aslan bago siya tumakbo papuntang ibang direksyon.
...
"Let's go," Calum said.
"Pwede bang dito nalang tayo magpalipas ng gabi?" Gaille said.
"We need to move," 'yun lamang ang sinabi ni Calum.
Wala silang nagawa kundi ang sumunod.
"Something's wrong here," bulong ni Dillon.
"Wala naman kasi talagang tama rito," sabat ni Lumiere.
Hindi nagtagal ay nakita nila ang isang lalaking tumatakbo palapit sa kanila.
"Bro!" sigaw ni Dillon habang kumakaway pa.
Hingal na tumigil si Aslan sa pagtakbo nang makalapit na siya.
"Let's go, kailangan na nating makalabas dito!" seryosong sabi ni Aslan.
Sinabi sa kan'ya ni Viy na sa headmaster's office ang daan palabas pero hindi sila sigurado kung saan doon parte.
"Alam ko na kung saan, let's go!" dagdag pa nito at agad na hinawakan ang wrist ni Eirene.
Clueless na sumunod na lamang sila.
Hindi pa man sila nakakalayo ay nakatanaw sila ng mga armadong lalaki.
"Huwag kayong kikilos!" sigaw ng isa sa mga 'to.
Napatigil sila.
"Mga estudyante kayo?" tanong nito na siyang kinatango nila.
"Huwag kayong mag-alala, ligtas na kayo," someone said na siyang kinatulo ng luha ni Gaille.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.