Chapter 10

27 1 0
                                    

Third Person's Pov

"Kamusta siya?" tanong ng isang lalaki sa kan'yang secretary.

"They are fine naman po. Sa pagkakaalam ko, napapalapit na sila sa mga lalaki," sagot ng secretary.

Napangiti naman ang lalaki.

"Naaayon ang plano sa lahat," nakangiting sabi nito.

...

"Omg exam na! Goodluck!" sigaw ni Maeve sa kanilang dorm na siyang kinatakip ni Lumiere ng tenga.

"Yah goodluck!" nakangiting sabi ni Eirene.

"Sana makapasok tayo sa top 15, I really want to go out so please galingan nating lahat!" sabi naman ni Gaille.

"Goodluck everyone," Della said.

Napatingin naman silang lahat kay Lumiere na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang tenga. Narealize niyang tinitingnan siya ng kan'yang mga kaibigan kaya agad itong ngumiti.

"Goodluck!" banggit nito.

Sabay-sabay naman silang pumunta sa canteen para mag almusal. Nakagawian na nilang kasabay lagi ang limang lalaki. Aminin man nila o hindi, alam nila sa kanilang sarili na napapalit na sila sa mga 'to.

"Goodmorning!" bati sa kanila ni Dillon. Agad namang sineniyasan ni Dillon na maupo si Lumiere sa kan'yang tabi.

Hindi na bago sa kanila 'to. Nasanay na sila sa pagiging malapit ni Dillon at Lumiere, mukha silang mag best friend na matagal na. Gaille and Zale is still enemy, lagi pa ring kinukulit ni Maeve si Ethan, Eirene and Aslan became friends but lowkey, while Della and Calum is still observing.

"Goodluck sa exam," nakangiting sabi sa kanila ni Della.

"Goodluck too," sabi naman ni Calum na siyang kinairit ni Maeve.

"Omg! Our ship is sailing!" tuwang-tuwa na sabi ni Maeve at nakipag-apir pa ng dalawang kamay kay Dillon na siyang kinairap lang ni Della.

"You, huwag kang mangongopya sa akin ha!" nakaturong sabi ni Zale kay Gaille na siyang kinataas kilay ng dalaga.

"Excuse me? Baka ikaw 'tong mangongopya sa akin?" inis na sabi ni Gaille.

"Mas matalino ako sa 'yo!" gatong naman ni Zale.

At doon na muli silang nagsimulang mag asaran. Napangiti na lamang si Della. Alam niyang genuine na ang pagiging malapit ng kan'yang mga kaibigan sa mga binata.

"I hope, everything goes well," bulong nito sa sarili.

"Everything will," sagot ni Calum na kinatingin sa kan'ya ni Della.

Hindi niya alam kung narinig ba nito ang kan'yang sinabi pero nginitian niya na lamang ito.

Matapos ang kanilang almusal ay pumunta na sila sa kan'ya-kan'yang room. Kabado ang limang babae pero confident silang maitatama nila lahat dahil napaghandaan nila ito.

Nagsimula na ang exam at tanging dasal lamang ang nasa isip nilang lima.

Eirene's Pov

I'm done taking exams. Nandito ako ngayon sa labas ng mga rooms, iniintay sila. Pag natapos kasi sa exams pinapalabas na. Unlike other schools, isang bagsakan ang exam dito. Pag natapos mo ang isang subject, kailangan mong sagutan ang mga susunod hanggang sa matapos mo ito.

Kinawayan ko naman si Della nang makita kong palabas ito sa kanilag room. Kumaway naman siyang pabalik.

"Kamusta ang exams niyo?" bungad niya sa akin.

Uriel UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon