Maeve's Pov
Nang matapos ang night hours ay agad din kaming bumalik sa dorm. Ayaw rin magpadala ni Lumiere sa clinic dahil ayos lang naman daw siya.
Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang canteen para mag-almusal. Hindi ko alam kung ako lang ba pero kanina pa kami tinititigan ng mga istudyante. Alam ko namang maganda kami pero ang awkward kaya.
Pagpasok namin nang canteen ay may panget na mukhang sumalubong sa amin.
"Hindi niyo naman sinabing malalandi pala kayo," bungad niya sa amin.
Okay? Anong scene 'to?
"Attention everyone!" sigaw nito at pumalakpak pa.
"Ang mga babaeng 'to ay natulog sa kwarto ng top 5 students!" anunsyo nito.
What the? Paano niyang nalaman 'yon? Bukod sa nakasalubong namin kagabi ay wala na kaming ibang nakita.
"What a sluts right?" dagdag niya pa.
Eh? Is she referring to herself?
Humaharap ito ng nakangisi sa amin and because of that, I want to laugh so hard.
"Ooops, sorry! Tumama," nakangiting sabi ni Gaille.
Guess what? She just slapped Kelly's face!
"You!" galit na sigaw nito habang dinuduro pa si Gaille.
Kakausapin ko na sana si Lumiere sa gilid ko dahil katabi ko lang naman siya pero hindi na pala. Iniwan lang naman niya kami rito at ngayo'y nakaub ob na siya sa lamesa.
Hindi manlang ako sinabihan? Pero okay lang, ganda kaya ng scene ngayon.
Umakto namang umiiyak si Kelly. Ow kawawa naman.
Ngayon, sobrang sama ng tingin sa amin ng mga babae. Eh? Kala ko naman iba 'tong school na 'to? Mukhang maraming fanbase 'yung mga lalaking 'yon dito.
Ow no, not my Ethan my love!
"Hindi lang pala kayo malandi! Mga b*tch din kayo!" sigaw nito.
"Babe, we're not a dog okay? And, huwag mo kaming tawaging malandi kasi nakakainsulto 'yon. Nakakainsultong matawag na ikaw," bored na sabi ni Della.
Omg, I love it!
"W-What?!"
Ngayon, mas gigil pa siya.
"Let's go na guys," mahinahong bulong ni Eirene na may halong pag-aalala.
"Oonga, nagugutom na ako. Hindi siya worth it para pag-aksayahan ng oras," pag-agree ko.
Kahit gusto ko pang makitang mag bardagulan sila, eh nagugutom na ako.
"What the?!" inis na sigaw ni Gaille nang higitin bigla ni Kelly ang buhok niya.
Ooops, wrong move. Ayaw na ayaw niya pa namang hinahawakan siya lalo na sa mukha at buhok.
"What's happening here?"
Natahimik ang lahat dahil sa biglang pagsasalita ni Calum.
Omg, ang gwapo ni Ethan my love.
"Ito kasing mga 'to! Mga malalandi!" sigaw ni Kelly na ngayo'y nakaupo na sa sahig.
Luh? Anyare sa kan'ya?
Pero bahala siya diyan nagugutom na ako.
Agad ko namang hinila si Eirene dah siya ang nasa tabi ko. Sumunod naman sa amin yung dalawa.
Wala naman ng pumansin kay Kelly.
Omg deserve!!!
"Huy, bat ka natawa mag-isa?" nakakunot noong tanong sa akin ni Della.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.