Della's Pov
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang laban ni Ethan sa mga lalaki. Sa loob din ng panahong 'yon hindi kami na involve sa kanilang lima. But I know, laging magkausap si Dillon at Lumiere, they are classmates.
Unti-unti na rin kaming nasasanay sa sitwasyon pero hindi pa rin namin isinasantabi ang misyon naming makaalis sa lugar na 'to.
Nangangalap din kami ng impormasyon pero masasabi kong mahirap. Hindi ko rin alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero laging sumusunod sa amin si Calum o hindi nama'y laging nakatingin.
"Anong iniisip mo?"
Agad akong napatingin kay Gaille.
Nandito na pala kami ngayon sa dorm dahil gabi na rin.
"Kung kailan tayo makakalabas," I said.
Hindi pa rin pala nagpaparamdam si Reine, habang si Eirene ay bihira lang ding magsalita.
"Something's wrong with you, masyadong malalalim lagi ang iniisip mo," Gaille said.
Am I?
Napatingin ako kay Lumiere na natutulog sa kan'yang higaan. Lagi siyang nawawala after the game pero nakakauwi naman siya before night hours. Tuwing madaling araw rin ay nagigising ako dahil sa hikbi niya, pero tulog naman siya.
"Kailangan na nating makaalis dito sa lalong madaling panahon. Malamang ay pinapahanap na tayo ng mga magulang natin," 'yon na lamang ang nasabi ko.
"How?" tanong ni Gaille.
Paano nga ba?
"Malapit na ang exams, kailangan nating mapunta sa tops. But how? Isang beses palang din tayong naglalaro," singit ni Maeve.
Akala ko nagbabasa siya ng libro.
"Marami pa naman tayong oras, let's hope for the best," I said.
Eirene's Pov
Napatingin ako sa orasan sa dingding and it's 12am. Tulog na rin silang apat.
Matagal-tagal din akong hindi nakalabas, alam kong grabe ang epekto kay Eirene ng mga pagpatay ko. I guess? Hindi naman siguro masama kung magliliwaliw ako sa labas ngayon.
Tumayo ako at nagsuklay.
"Where are you going?"
Agad akong napalingon kay Lumiere. Akala ko naman natutulog 'to.
"Mamamasyal. Sama ka?"
"No thanks, inaantok ako," sagot nito at dumapa.
Nagkibitbalikat na lamang ako at lumabas na.
Bumungad sa akin ang tahimik na hallway. Tanging ilaw lang na papatay-patay ang nagsisilbing liwanag.
Before I forgot, narinig ko rin pala na nagkakaroon daw ng plus points pag nakakapatay sa night hours. Hindi naman siguro masama kung tutulungan kong makapasok sa top sila Eirene sa ganitong paraan.
Patuloy ko lang na binabaybay ang tahimik na hallway. Wala bang mapaglalaruan ngayon?
"What are you doing here?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Ow, he's Aslan Lynx.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"I said, bakit nandito ka pa sa labas?" rinig kong tanong niya mula sa aking likod.
Bakit ba siya nasunod? Gusto niya bang siya ang unang maging biktima ko ngayong gabi?
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.