Third Person's Pov
Hiyawan ang mga istudyante matapos makita ang pagtalsik ng kalaban ni Ethan.
"Ang lakas niya talaga."
"Mukha siyang fragile pero iba siguro talaga pag top student."
"He's top 2, what do you expect?"
Sa kabilang banda, gulat na gulat ang limang magkakaibigan sa bilis ng pangyayari. Bigla namang kinilabutan si Maeve.
"Seriously? Nakakatakot siya."
Iyon ang nasa isip ni Maeve, but she manage to smile and clap.
"What are you doing?" inis na tanong ni Gaille kay Maeve.
"Ha? Napalakpak?"
"Seriously? Napalakpak ka pa kahit napatay niya 'yung guy?"
Habang nagbabangayan si Gaille at Maeve. Tahimik lang na nakatingin si Della sa grupo nila Calum.
"Kanina pa siya nakatingin dito," bulong ni Della sa sarili.
She's referring to Calum.
Labis na ang pagtataka niya sa mga nangyayari. Una sa lahat, nadawit lamang sila sa top 5 students ng wirdong paaralan. Pangalawa, tila lagi silang pinaglalapit.
"I guess, he's looking at you," bulong ni Lumiere kay Della.
Tinawag na ang susunod na kalahok sa talong grupo.
"Huwag mong sabihing, hanggat hindi ubos ang isang grupo, hindi matatapos ang laban?" kunot noong tanong ni Maeve.
"I guess?" sagot ni Della na kinasinghap niya.
"Paano kung mapatay niya lahat?" natatakot na tanong ni Gaille.
"That's the goal of the headmaster," sagot naman ni Lumiere.
Pansin naman ni Dillon ang pagtitig ni Calum sa limang magkakaibigan.
"Pre, na mine ko na si Lumiere ah," nakangiting sabi ni Dillon kay Calum pero hindi siya nito pinansin at naghudyat na ng pagsisimula ng laro.
Ayaw man ni Ethan na makapatay, pero wala siyang magagawa. Lalo na kung ang mga kalaban niya ay gusto siyang patayin.
"Papatayin din kita!" galit na sigaw ng lalaki kay Ethan habang hawak-hawak ang isang itak.
Nanlilisik ang mga mata nito.
Kumuha naman ng isang kutsilyo si Ethan.
"Anong laban ng itak sa kutsilyo?" kunot noong bulong ni Maeve na kinakabahan na sa mga nangyayari.
Agad na sumugod ang kalaban kay Ethan, pero hindi pa man ito nakakalapit ay agad itong bumagsak.
"What the f*ck?" gulat na bulaslas ni Maeve.
Literal na nanlaki ang mata niya sa kan'yan nasaksihan.
Nakasentro sa gitna ng noo ng lalaki ang kutsilyong kaninang hawak ni Ethan.
"He wants to end this sh*t as soon as possible, so boring," walang emosyong sabi ni Zale.
Hindi niya nagugustuhan ang kan'yang nasasaksihan. Gusto niyang lumabas ang brutal na Ethan. Kilala si Ethan sa pagiging mabait pero tila halimaw ito pag nakasalang sa laro, lalo na sa patayan. Hindi niya maunawaan kung bakit ganto ang pinapakita ng kaibigan.
"Again, Ethan Byron is the winner!" anunsyo ng headmaster.
"Matatapos ang larong 'to na patay na lahat ang kabilang grupo," komento ni Dillon.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.