Maeve's Pov
Laglag ang balikat namin dito sa kwarto. Pagkalabas kasi namin sa office ay hinanap namin ang daan palabas pero di namin ito nahanap. Napakalawak nitong school kaya mas lalo lang kaming naligaw.
Buti nalang at nakita kami ni Ms.Via kaya naihatid niya kami rito.
"Paano na tayo ngayon?" umiiyak na tanong ni Gaille.
"May magagawa ba tayo? Nandito na tayo eh. Siguro sakyan nalang muna natin hanggang sa malaman natin saang ang daan," sagot ko rito.
"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo pinagpilitan na mag-enroll dito, hindi tayo malalagay sa sitwasyong ito!" sigaw nito sa akin.
Really? Magsisisihan ba kami ngayon?
"Ginusto nating lahat kung bakit tayo nandito," seryosong sabi ko rito.
Tumawa naman ito na pang-asar.
"Ikaw ang nagpumilit nito Maeve! Ayaw namin ni Eirene pero pinilit mo!""Tama na 'yan, wala tayong mapapala kung magsisisihan tayo," seryosong sabi ni Della.
"Yeah, nakakarindi kayo," sabat naman ni Miere na ngayo'y nakapikit.
"Isa ka pa! Ginusto mo rin 'to eh. Sabi mo kesyo masyado kang curious kasi hindi pamilyar. Dinamay mo pa kami!" sigaw naman ni Gaille kay Miere.
"Edi sana hindi ka sumama kung ayaw mo pala," sagot ni Miere na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin.
Kita ko ang panggigigil ni Gaille kay Miere. Wow? Kanina lang sa akin siya gigil, ngayon kay Miere na. Baka mamaya kay Eirene na 'yan manggigil.
"Guys ano ba, huwag na tayong magsisihan. Pare-pareho lang tayong nakulong dito," mahinhing sabi ni Eirene na siyang kinatahimik na lamang ni Gaille.
Oh ano, wala pala siya kay Eirene. Ayaw nalang niya manahimik eh. Ginusto niya rin naman na mag enroll kami rito. Masyadong pa victim.
"Come on Maeve, idiretsyo mo nalang sa akin. Hindi 'yung diyan ka sa utak mo nag ra rant," sigaw na naman ni Gaille.
"Ang sakit mo sa tenga ha!" inis kong sabi rito.
Napakamot na lamang sa ulo si Della.
Akmang magsasalita siya nang tumunog ang speaker dito sa loob ng kwarto.
"Attention everyone! Tomorrow is the start of everything. Makikita ang inyong mga schedule sa entrance ng college building. Nais kong kayo ay maghanda at i enjoy ang mga susunod na araw. Paalam!"
Boses iyon ni headmaster. Nakakarindi siya kasi may tawa pang kasama eh hindi naman siya nakakatawa.
"Let's go with the flow at sabay-sabay tayong lalabas sa paaralang ito. Sa ngayon ay manahimik na muna tayong lahat."
Napatango na lamang kami sa sinabi ni Della.
Eirene's Pov
Alas singko ng umaga ng gisingin kami ni Della. Kailangan daw naming maghanda na, 6:30 kasi ang sinabi sa aming start. Kaya ayon, busangot na busangot si Gaille.
"Miere, what do you think will happen?" tanong ko rito.
Nagkibit balikat lamang ito at pumikit.
Magkakaiba nga pala kami ng kurso kaya malamang ay magkakahiwalay kami. Si Lumiere ay Civil engineering, ako ay nasa Nursing, si Della naman ay nasa Forensic Science, sa Psychology naman si Maeve, at Accountancy si Gaille.
Natapos na kaming kumain. Si Maeve at Della ang taga luto namin habang kami naman ni Miere ang taga linis, si Gaille ay natulong sa kung saan niya nais.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mistério / SuspenseIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.