Chapter 18

39 1 0
                                    

Lumiere's Pov

One week had past. Normal pa naman ang nangyayari. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi pa kami ligtas.

"Ang lalim naman ng iniisip mo."

Agad akong napalingon kay Dillon.

Nakapag enroll nga pala kami ngayon sa isang university para ipagpatuloy ang pag-aarala namin. Nagsama-sama na rin kaming sampu at magkasama pa rin kami ni Dillon.

"What if balikan nila tayo?" Wala sa sariling bigkas ko.

"Ano ka ba, hindi na sila babalik. Pinaghahanap na sila at siguradong hinding-hindi sila makakalabas ng pilipinas. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano diyan. Ako nalang isipin mo."

Napairap nalang ako dahil sa huli niyang sinabi. Kagaya ng sinabi niya sa tita ko, sinimulan niya na akong ligawan. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi pa ako nahuhulog sa kan'ya.

"Tara na sa canteen, baka nandon na ang iba," yaya nito sa akin.

"Ang tagal niyo," bungad sa amin ni Maeve.

Nagkibitbalikat na lamang ako. Kagaya ng nakagawian, ang mga lalaki ang umorder.

"Okay na ba kayo ni Zale?" tanong ni Della.

Simula nang makalabas kami ay hindi pa rin nagpapansinan si Zale at Gaille.

"Yeah?" hindi siguradong sabi nito.

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga lalaki.

Tahimik lamang ang lahat habang kumakain. Naninibago ako, madalas ay nag-iingay sila habang nakain.

"Eirene."

Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag kay Ei.

"Zach!" masiglang bati ni Eirene rito.

Zachary Pire, kababata ni Eirene. Dati na rin niya itong niligawan pero binasted siya sa kadahilanang wala pa sa isip ni Eir 'yon.

Agad naman silang nagyakapan. After all, magkaibigan silang dalawa.

Napatingin kami kay Aslan nang mahulog ang kan'yang kutsara.

"Kamusta ka na? Antagal niyong nawala, buti naman nakabalik kayo ng ligtas," sunod-sunod na sabi ni Zach.

"Hello!" nakangiti namang bati nito sa amin.

"Hi Zach! Sabay ka na sa amin," pagyaya ni Maeve rito.

"Ay may kasama ako eh, sa susunod nalang. Marami kayong kwento sa akin," nakangiting sabi nito at nagpaalam.

Kaibigan din namin si Zach dahil na rin kay Eirene.

"Sino 'yon?" bulong ng katabi ko.

"Ah, manliligaw ni Eirene," sagot ko.

Napatingin naman sila sa akin.

"Ibig sabihin niya, dating manliligaw ni Eir. Kaibigan din namin," natatawang sagot ni Maeve.

Napatingin ako kay Aslan na nanahimik. Simula nung makalabas kami sa paaralang 'yon, tila iniiwasan niya si Eir.

"Alam niyo, kung kailan nakalaya na tayo saka kayo awkward. Nakakabugnot ang atmosphere," inis kong sabi at tumayo. Sumunod naman sa akin si Dillon.

Bukod sa hindi nagbabangayan si Zale at Gaille. Hindi rin nag-uusap sila Aslan at Eirene, hindi ko maman alam kung anong ganap kay Calum at Della. Si Maeve naman hindi kinukulit si Ethan. Ang gulo nila, nakakainis.

"Easy ka lang," natatawang sabi ni Dillon

Maeve's Pov

Tahimik lamang kami pagkaalis nila Lumiere. Tama naman siya, naging awkward ang lahat. Hindi ko rin alam bakit nahihiya ako kay Ethan.

Uriel UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon