Chapter 5

39 2 0
                                    

Dillon's Pov

Alam kong crush ko siya pero ang weird naman dahil grabe ang pag-aalala ko ngayon. Ni ngayong araw ko nga lang siya nakilala.

"Hoy, seryoso ka ba? Bakit sa dorm niyo? Omg, nandon malamang 'yung baliw niyong kaibigan!" reklamo nung Maeve ang pangalan.

Kanina pa siya nagliligalig. Ni hindi siya matahimik, I guess na magkakasundo kami.

"Huwag kayong mag-alala, mababait naman sila. Saka hindi natin pwedeng pabayaan ng ganto ang kaibigan niyo. Baka maubusan siya ng dugo," sagot ko rito.

Hindi ko rin alam bakit ko naisip ma sa dorm sila dalhin. Alam kong magtataka ng sobra 'yung mga 'yon. Malamang ay kanina pa kami pinagmamasdan ng mga mainit ang dugo sa amin.

Sh*t bakit ngayon ko lang naisip na pwede silang madamay.

"What the f*ck!" gulat na sigaw ni Maeve nang sumulpot ang limang lalaki na may takip ang mukha sa harapan namin.

May mga dala-dala silang palakol. Hindi ko man nakikita ang kanilang mukha, kilala ko na sila.

"Bro, huwag ngayon. Nakikita mo bang may duguan dito," mahinahon kong sabi.

Ito nanga ba ang sinasabi ko. Dapat kasi hindi ko na muna kinausap si Lumiere, napahamak pa tuloy sila.

"It's our time to kill you at 'yang mga transferees na 'yan," sagot nung isa.

"Pwede ba, padaanin niyo kami," seryosong sabi nung Della.

"Miss, hindi na kayo makakalagpas ng buhay sa amin," sabat naman nung isa.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ni Lumiere. Tahimik lamang si Eirene na binabalutan ng nakakatakot na aura, habang nanginginig naman si Gaille pero mas pinipiling maging matatag, seryoso naman si Della at Maeve. Si Lumiere ngayon ay wala ng malay sa bisig ko.

"Huy Reine, pakitaan mo nga 'tong mga 'to," bulong ni Maeve kay Eirene.

Kanina pa ako na iintriga sa Eirene na 'to. Parang kanina lang sa canteen, siya ang pinaka soft sa kanila. Ang angelic din ang aura niya. Tila may iba rito.

"Bukas na tayo magtuos, nakikita niyong may naghihingalo rito!" naiinis kong sabi sa kanila.

"Wal---"

Ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko kasabay ng pagsigaw ni Gaille dahil nakatarak na ngayon sa leeg ng lalaking magsasalita dapat ang kan'yang sariling palakol.

"Hindi kayo madaan sa pakiusap eh," komento ni Eirene na nasa harap ngayon nung lalaki habang hawak-hawak ang palakol.

Halos masuka ako nang tanggalin niya ito kaya sumirit ang mga dugo.

Natumba naman ang lalaki. Ganon na lang din ang gulat nung apat niyang kasama.

"Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng isa at agad silang nagtatakbo.

Tama nga ang grupo ni Viy, hindi dapat namin sila maliitin.

"Hala ka Reine, hindi na naman namin makakausap nito si Eirene," sabi ni Maeve na naka taas pa ang hintuturo sa kanang kamay.

Nagkibit bilikat lang si Eirene. Teka? Ano raw? Bakit tila parang ibang tao ang sinasabi nila. Hindi ba siya si Eirene?

"Ano, tutulala ka nalang ba diyan o tatarak sa 'yo 'yang palakol? Bilisan mo na, bago pa tuluyang maubusan ng dugo si Miere," cold na sabi nung Eirene.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng dorm.

"Pakuha nung susi sa bulsa ko, tapos pakibuksan na rin," utos ko ron sa Della.

Uriel UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon