Aslan's Pov
"Sisimulan natin ang plano mamayang gabi," Viy said.
"Okay," everyone agreed.
Natahimik naman ang lahat. Sinabi rin namin ang plano sa mga nakakulong pa. Marami kami, pag nagtulung-tulungan kami ay malaki ang tiyansang magtagumpay.
"Do you really think na once na makalabas tayo rito ay matatapos na ang lahat? Lulubayan na kaya tayo ng school na 'to? I think I will have nightmares na lifetime," Faint said.
The school motto is once na hindi ka pa graduate ng Uriel, hindi ka lulubayan nito. Pero pag napabagsak naman siguro namin ang paaralang ito ay magiging tahimik ang buhay namin sa labas diba?
"We will be happy outside," I assured her.
Nginitian niya lamang ako. The moment she smiled, I saw her. Is this even right?
"What are you thinking?"
Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Faint.
"Namimiss ko lang sila," I said.
"Namimiss mo rin ba si Eirene?"
"Of course!" I stopped for a second.
"She's one of my friends and the closest girl to me sa kanila so of course I'm missing her," I added.
I'm just hoping na magtagumpay ang plano namin.
Ethan's Pov
"What are you thinking," Calum asked.
"Feeling ko nahuli sila Aslan," I said.
Kagabi pa iba ang kutob ko. Iba rin ang pakiramdam ko kay Faint kaya tama lang siguro na mapahiwalay siya sa amin pero masyado akong nag-aalala kay Aslan.
Kasalukuyan din naming hinahanap ang daan palabas. Actually, hindi namin alam kung saan tutungo pero masyado naman ata kaming swerteng walang nasasalubong kaya payapa kaming naglalakad.
"Let's just trust him. If ever na nahuli sila, hindi 'yun papayag na hindi makaalis," he said. Tinanguan ko naman siya.
"Alright, magpahinga muna tayo."
Napatingin ako kay Della dahil sa bigla niyang pagsalita. Ngayon ko lang narealize na kanina pa kami naglalakad. Ganon ba kalaki ang school para hindi ko mamalayan ang oras?
Naglabas din sila ng pagkain. Tinitipid namin ang mga nakuhang pagkain dahil wala ng iba pang source ng foods dito maliban nalang sa canteen na kinuhaan namin. Masyado na rin kaming malayo sa canteen ngayon. This school is really beyond your imagination, masyadong malaki na hinding-hindi mo malilibot ng isang araw.
"Hello!" nakangiting bungad sa akin ni Maeve.
"Hi," I said.
"Paglabas natin dito, liligawan kita," malakas na sabi nito na alam kong narinig ng iba. I want to laugh pero ngumiti na lamang ako.
"Silly, I should be the one to court you," I said.
Tila nanlalaking matang may pagtakip pa ng bibig itong nakatingin sa akin.
"Omo, liligawan mo 'ko!" tila gulat na gulat na sabi nito.
Rinig naman namin ang hagikhik ng iba. In this situation, need pa rin talaga ng konting atmosphere kagaya ng mga oras na 'to. We should smile more.
In every tough situation, there is always a way and reason to smile.
"Huy huwag mo lang akong ngitian diyan lalo akong nahuhulog," Maeve said.
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.