Lumiere's Pov
Isang malaking kwarto na purong puti ang bumungad sa akin. Ano 'to? Uriel 2.0?
Napansin kong nandito rin sila, including Eirene.
"Wake up, everyone," I said. Gumalaw naman sila hudyat na naalimpungatan sa boses ko dahil mahina man ang pagkakasabi ko nito ay grabe naman ang echo.
"Baby!" sigaw ni Dillon na agad tumakbo para dambahan ako ng yakap. Napataas na lamang ang milay ko.
Magsasalita na sana si Della nang biglang may nakakabinging speaker ang tumunog bago may magkasalitang demonyo.
"Kamusta mga minamahal kong istudyante!" tika demonyong bumgad nito.
"Namiss niyo ba ang pinakamamahal niyong headmaster?" tumatawang sabi nito na ikinaikot ng mga mata ko.
Tumikhim naman ito bago magpatuloy sa pagsasalita. "Nasa isa kayong room kung saan may sampung higaan. Makikita niyo rin ang tig-iisang kabinet na nakatabi sa inyong mga higaan. Iyan ang magiging kwarto niyo sa loob ng paaralang ito, ang mga damit na nasa kabinet ang maaari niyo lamang suotin." Napansin ko naman na lahat kami ay nakaputi. Nakaputing polo at pants ang mga lalaki habang nakadress kaming puti na mga babae. Binuksan ko ang kabinet at tama nga ang hinala ko, pare-pareho lamang ang laman nito.
"Akala niyo ba ay natapos na ang kalbaryo niyo simula nung makalabas kayo? Kung ako sa inyo, pagsisisisihan niyong nakalabas kayo sa paaralang iyon at napadpad dito. Ladies and gentleman, Welcome to Uriel University! This is the real Uriel University. In this school, matira matibay. Kagaya ng grouping system kung saan kayo nanggaling, kayong sampu ang magkakagrupo. Everyone here are killers, kung inaakala niyong magaling kayo sa kung saan kayo nanggaling, nagkakamali kayo rito. Ang mga nandito ay mga anak ng iba't-ibang kilalang tao na rito pinapatapon ng kanilang mga magulang dahil sa kanilang pagrerebelde. Ang iba ay nandito na magmula pa elementarya, habang ang iba ay mula highschool."
Tumigil ito at may ibang boses na pumalit.
"Hello everyone," her voice gave me goosebumps. Kilalang-kilala ko ang boses na 'yan.
"I just want to introduce myself, I am Francia Bliss. I know kilala niyo na ako so enough for long introduction."
Napatingin ako kay Maeve, tahimik itong umiiyak habang nanginginig sa galit.
"I am one of the owners of this school. Ako ang magpapaliwanag ng kahihinatnan niyo rito. And oh, hello Maeve baby, I just want to say na dapat mamatay ka na rito. I thought you will die there but may sa hirap ka palang patayin, pero rito sure ako na hindi ka magtatagal. So here you guys will compete to everyone, kayong sampu lamang ang magkakampi at magtutulungan, everyday have a twist kaya walang specific kung anong kailangan niyong gawin. Kailangang alerto kayo sa kung anong dapat gawin dahil pag hindi niyo nagawa, boogsh!" tila baliw na sabi nito.
"Kung sa Uriel na pinanggalingan niyo ay kailangan niyong makagraduate, here you guys need to reach the level 10 so you can free to go. Well, if you guys reach that level, nasa sainyo kung aalis kayo, maglalabas pasok kayo, or mag-istay kayo. Pero ako na nagsasabi sa inyo, those who reach that level didn't leave this school. Why? Kasi naka engraved na sa soul nila 'to, they are addicted to this school. That's it!" sabi nito at biglang nawala.
Inis na sinipa ni Calum ang cabinet. "Ni hindi manlang nila pinaliwanag ang mga dapat nating malaman," frustrated na sabi nito.
Napatingin naman ako kay Dillon na parang lintang nakakapit sa akin. Hindi ba uso sa kan'ya personal space?
Magsasalita sana si Della ngunit tila boses robot na nagsalita.
"Goodmorning everyone, it's 6am in the morning. I am Robie0112 at ako ang magsasabi kung ano-ano ang dapat niyong gawin. Kayo ay nasa level 1 pa lamang, kung ano ang level niyo ay iyon ang privileged niyo, mula sa kakainin, sa mga gagawin, sa mga pwedeng puntahan, at marami pang-iba. Kayo ang underdog sa lugar na ito kaya kailangan niyo mag-ingat. Puntos ng isa ay puntos ng lahat. Mag-aaral pa rin kayo rito pero lahat kayo ay magsisimula sa 1st year at wala kayong choice kundi aralin ang ibigay na kurso sa inyo. Kung gusto niyong aralin ang kursong gusto niyo ay kailangan niyong marating ang level 5. Huwag kayong mag-alala dahil lahat ng guro rito ay magagaling. Killing is allowed, kahit anong oras ay pwedeng pumatay. Bawat mapapatay niyo ay may puntos dipende sa level nila. Bawal lamang pumatay sa loob ng classroom pero sa lagas ay malaya kayo. 50% na puntos ang manggaling sa academics kaya kailangan niyo pa ring galingan sa pag-aaral. 7:30-12:30 ang oras ng pag-aaral habang sa mga susunod na oras ay kailangan niyong maging alerto para sa dapat niyong gawin. Kung gusto niyong mapabilis ang pag-angat ng inyong level, maaari kayong sumali sa mga palaro na nagsisimula ng alas otso ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw at hamunin ang may matataas na ranggo, syempre pag napatay niyo sila ay mas mataas ang makukuha niyong puntos. Ang magiging pangalan ng grupo niyo ay LUCIFER, at wala na kayong magagawa."
BINABASA MO ANG
Uriel University
Mystery / ThrillerIsang hindi kilalang eskwelahan na napagtripang pasukin ng magkakaibigan. Wala silang alam sa kung ano ang nasa eskwelahang ito. Sabay-sabay nating tuklasin ang desisyon ng magkakaibigang labis nilang pinagsisihan.