Chapter 3

363 9 0
                                    


Chapter 3

Gusto kong matawa sa gulat na hitsura ni Javier sa naging tanong ko. Rinig ko rin ang mga hagikgikan ng mga tao sa loob dahil sa reaction niya. Konti nalang ay malaglag ang panga niya.

Nang makabawi ay tumikhim siya at inayos ang pagkakalagay ng salamin niya. Pagkakuwan ay seryoso akong tiningnan.

"I'm married"he said. I smirked at his answer. Really? Married huh?

Naglakad siya patungo sa unahan ng klase at humarap sa amin. I can hear their whispered, commenting about what he said.

Sa tono ng boses at muka ng mga babaeng estudyante ay para silang natalo sa loto. Hindi sila makapaniwala na kasal na ang gwapong teacher. Kahit sino naman ay manghihinayang kapag narinig iyon.

I sat on the chair when Javier started writing something on the board. Nakatingin lang ako sa likod niya na mala adonis ang hulma. Pasok talaga sa type ko eh. Kaya lang ay ayoko sa nerd , higit sa lahat kaaway siya. Sayang.

Nang matapos siya sa pagsusulat ay humarap siya sa amin. Tumingin ako sa board at binasa ang nilagay niya ron. Gusto kong sumimangot.

He's the adviser , math and mapeh teacher. I wanted to vomit when I read the word math. How I hate those words.

Nag discuss lang siya tungkol sa schedule niya sa amin. First period and last. Napaka boring. After one hour ay tumunog na ang bell. Hind ko lubos maisip na nandito na nga ako bilang isang high school student. A public school. I sighed.

Lumabas ako ng classroom habang sumusunod naman ang tingin ng mga estudyante sa akin. I know I'm gorgeous.

Rinig ko rin ang bulungan nila. Pakiramdam ko tuloy ay sinasamba nila ako dahil kusang tumatabi ang mga estudyante sa hallway kapag dadaan ako.

What a life.

Dumeretso ako sa cafeteria. Pagbukas ko palang ng pinto ay agad bumaling sa pwesto ko ang mga estudyante. Laglag ang panga nila at parang mga zebra dahil nagkakandahaba ang mga leeg  nila. Lalo na ang mga lalaki.

Haist! Childs! Hindi ako makapaniwala na pinalilibutan ako ng mga bata. Humanap lang ako ng libreng table at umupo ron. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang blue print ng buong school. Kailangan kong kabisaduhin ang buong lugar na ito para madali lang para sa akin ang gumalaw at makakuha ng impormasyon tungkol kay Javier.

"Hi Miss"umangat ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin. Matangkad ito at moreno. I looked at him from head to toe. Hmmm. Handsome. Buti naman at may gwapo rito.

I arched my brows at him. Kita kong bumaling siya sa kabilang lamesa kung saan nandon ang tatlong lalaki na mukang kaibigan niya. Nakangisi ang mga ito. Sa hitsura ng mga ito ay mukang alam ko na ang agenda. Magaling akong kumilatis ng tao at mga kilos. Para saan pa at naging agent ako , hindi ba?

"Pwede ba akong maupo rito?"tanong niya. Binaba ko ang cellphone na hawak ko at pinagmasdan siya.

"Sure"I smiled. Mabilis siyang umupo sa harapan ko habang ramdam ko ang mga sulyap ng tao sa loob ng cafeteria.

"Thank you. Ako nga pala si Quil. Anong pangalan mo?"tanong niya. Ngumisi ako at nag cross arms sa harapan niya. Galaw ng mga baguhan.  Interesting.

"Why? If I give you my name. Are you willing to kiss my neck?"sabi ko. Nanlaki ang mata ng lalaki at muntik pang masamid. I bit my inner chick to suppress a smile. Ilang taon na kaya ito? Maybe 16? 17?  Nahhh , hindi ako pumapatol sa bata.

"I'm just kidding"bawi ko. Parang nabunutan ng tinik ang muka niya sa sinabi ko at nahihiyang ngumiti. May pagkamot pa ito sa ulo. Totoy pa talaga.

"How old are you?"I asked him. Muka naman siyang hindi bata kasi malaki ang katawan. If I'm not mistaken , I'm sure he's part of the varsity.

Wildest WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon