Chapter 17
Pinatay ko ang telepono ng matapos ang tawag. I still can't believe what Vio said. Si Kuya Yue nakabuntis? Bakit parang imposible iyon? Wala naman akong nababalitaan na may kasintahan siya. At isa pa, mailap siya sa mga babae.
Naputol ako sa pag iisip ng maramdaman ang kamay ni Whistnant na humahaplos sa pisngi ko.
"Uuwi ka?"
I nodded. Siguradong uuwi talaga ako. Seryosong bagay ang pamamanhikan.
"About earlier......."I looked at him. Naghihintay sa susunod na sasabihin niya.
".....Ma'am Klare and I don't have a relationship. Nagulat din ako kanina sa ginawa niya"paliwanag niya. Muli kong naalala ang tagpo kanina.
"You don't need to explain" totoo naman. Hindi niya kailangang magpaliwanag. Wala naman akong pakialam.
Javier sighed. "I know, but I can't help it. For no reason, I feel like I need to. That, it's my responsibility to explain it to you"
I bit my lower lip. Hindi ko man aminin pero gumaan ang loob ko sa sinabi niya.
"We need to go. Oras na ng klase"saad ko nalang. Hindi ko na nagugustuhan ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis ng takbo. Lumayo siya sa akin bago tumango.
Nauna akong umalis habang sapo ang dibdib. I think this is bad. Really bad.
Nang magtanghalian ay hinanap ko sa campus si Quil para sabihing hindi ako makakapunta sa bahay nila. Susuduin kasi ako ni Vio mamaya at didiretso na kami sa probinsya.
Ilang minuto ang inikot bago ko siya nakita sa isang bench kasama ang mga kaibigan. Naglakad ako palapit.
"Hoy Quil! Nandito crush mo!"agad umingay sa kinaroonan nila at tinukso si Quil.
"B-Bianca"nautal pa talaga siya.
"Quil, gusto kong pumunta sa bahay niyo pero hindi ko na magagawa. I need to go back to my province for an emergency. I'm sorry "
Nawala ang ngiti niya sa muka dahil sa narinig. Samantalang natahimik naman ang mga kaibigan niya.
"Ganon ba?"bagsak ang mga balikat na tanong niya. I nodded. I walked closer to him and give him a smack on his lips.
"Happy birthday"ngiti ko bago siya tinalikuran. Mabilis na naghiyawan ang mga tropa niya.
"Tangina! Best birthday give ever tol!"hiyawan nila. Umirap ako. Kilig na kilig na sila non? Tsk. It's just a smack, nothing special.
Naglalakad ako sa gitna ng hallway ng may bigla nalang humigit sa akin. Nanlalaki ang matang tiningnan ko si Whistnant na nagtatagis ang bagang.
"Are you playing with me?!"galit niyang tanong. Halos maglabasan na ang ugat niya sa noo.
"What?"
"Fuck it El Luna! Why did you kiss him huh? You like that boy?!"halos sumabog na siya sa galit. He saw that? Shit! Hinawakan niya ang bewang ko at idiniin sa may pader.
"Pinaglalaruan mo ba ako?"napalunok ako sa tono ng boses niya. Pakiramdam ko ay kaya niya akong saktan dahil don. Dahan dahan akong umiling pero bahagya lang siyang natawa.
"Really? I'm risking my license and profession for this fucking adoration Bianca! And you're just playing with it?"
"It's just a smack"katuwiran ko. He chuckled. Bakit ba galit na galit siya? Normal naman sa akin ang smack kiss.
"Damn it! Smack or not! It's still a kiss! Why are you doing this huh!? Ano bang gusto mo?!"
Nagitilan ako at napapikit sa sigaw niya. Kumabog ng malakas ang puso ko. Para siyang bombang handang sumabog.
BINABASA MO ANG
Wildest Whisper
RomanceBecause of a simple mission. Ezra Dela Fuente's life turn upside down. She need to get an information to a big known sindicate by pretending to be a high school student. At first she thought it was easy as a piece of cake despite of hating to be in...