Chapter 22

277 6 0
                                    

Chapter 22

Bagot akong lumabas ng sasakyan. Hinarap ko ang malaking simbahan kung saan gaganapin ang kasal ni Kuya Yue. Madami ng tao sa loob at naghihintay. Today is Kuya Yue's wedding.

Lumapit ako kina Mommy na hindi na maipinta ang muka.

"Why Mom? Is there something wrong?"I asked her.

"Wala pa ang groom. Nasan naba ang kapatid mo?"tanong niya. Kumunot ang noo ko. Wala pa si Kuya Yue? Asan naman kaya iyon?

"Tinawagan niyo na po ba?"

"Hindi siya sumasagot"aniya. Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Vio.

"The number you have dialed is busy. Please try your call later tooot! tooot!—"

"Cut the bullshit monkey italian!"I hissed. Pakiramdam ko ay umikot ng 360 degrees ang mata ko sa kalokohan niya.

"Sungit!"aniya sa kabilang linya.

"Nasan ka?"

"Sa lugar na wala ka"

"Alvio!"

"Tsk. Nagbabantay ng mag ru-run away bride. Bakit ba?"kaya pala wala pa siya rito sa simbahan.

"Nakita mo si Kuya Yue? Bakit wala pa siya rito? Dapat ay nandito na ang groom" bigla siyang tumawa. Nababaliw na naman ang mokong.

"Talagang wala siya diyan"

"Eh nasan?"

"Nasa gitna ng daan, nag da-drama kasama ang bride niya tapos yung second lead ng story. Gusto mo picturan ko? Wait lang"pinatay niya ang tawag bago nag send ng picture sa akin.

Napahawak nalang ako sa noo ko sa nakita. Nasa gitna ng daan ang bride at groom na mukang nagkakaaberyahan.

Galit na galit ang muka ni Kuya Yue habang nakatutok ang baril sa hindi ko kilalang lalaki. Tumawag si Vio kaya sinagot ko agad.

"Ano? Ang ganda no? Ano pwedeng title ng drama na yan? The bride and the groom? Never ending? The possession of the groom? Can't love him back? The paused run-away bride? Killing the other men?—"

"Shut it! Sabihan mo na si Kuya na pumarito! Kanina pa sila hinihintay"sabi ko at pinatay na ang tawag. Nakakasakit siya ng ulo.

Nairaos ng payapa ang kasal kahit na halata sa babae ang disgusto. Namumugto din ang mata nito dahil sa kakaiyak. Nakatulala lang ito sa reception at walang kinakausap. Umiling nalang ako.

Nang matapos ang kasal ay bumalik na ako sa maynila. Samantalang nagpaiwan naman si Vio. May gagawin pa daw kasi siya.

"How's the wedding?"hindi na ako nagulat ng makita si Javier sa sala ng bahay pagkauwi ko.

Halos isang linggo narin ang lumipas simula ng pinayagan ko siyang manligaw. Kahit na nag aalala parin ako sa kahihinatnan ng lahat ng ito. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang totoo. Hindi ko alam kung anong gagawin.

"It's good"I said. Sinundan niya ako sa kusina ng kumuha ako ng tubig at uminom.

"I miss you"muntik ko ng nabitawan ang baso ng bigla nalang siyang yumakap sa likuran ko.

"Don't you miss me too?"he asked me. I cleared my throat. Of course I miss him. Pero hindi ko iyon sasabihin. Humarap ako sa kaniya at bahagya siyang tinulak.

"Can you cook for me?"I said instead. He smiled before nod his head.

"Of course baby"

SA MGA  lumipas na araw ay patuloy ang pagkuha ko ng impormasyon mula kay Whistnant. Hindi na ako nahihirapan dahil dinadala niya ako sa condo niya.

Wildest WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon