Chapter 12

270 8 0
                                    

Chapter 12

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng pinipindot ang remote control ng tv. Nasa sala ako ng bahay habang nakatulala at inaalala ang tagpo namin ni Whistnant sa library. He said he will stop being my tutor. I sighed.

What should I do now?

"Ezra! Ezra! Where are you?!"natataranta akong napatayo sa sofa ng biglang pumasok sa loob ng bahay si Vio na habol ang hininga. Nasa muka niya ang takot at pag aalala. Bigla tuloy akong kinabahan.

"W-What?"I asked. He walks toward me with his horrified face.

"Bakit? May nangyari ba?"nag aalala kong tanong. Nang makalapit siya sa akin ay mabilis niya akong niyakap.

"Bakit?"takang tanong ko ng magsimula siyang umiyak.

"Ezra"iyak niya.

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Si Black kasi"kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong black?

"Huh?"humiwalay siya sa akin at umupo sa sofa. Sinundan ko siya ng tingin. Pinagmasdan ko pa ang muka niya pero wala akong nakitang luha. I cross my arms infront of him. Mukang nakalimutan na naman niyang uminon ng gamot.

"Patay na si black"malungkot niyang saad. Nagpahid pa siya ng pekeng luha sa kaliwang mata.

"Who's black?"

"Si Black, hindi mo kilala? Parang nung nakaraan lang ay ginasgasan mo ang kapatid niya"nakanguso niyang saad at inirapan pa talaga ako. Aba talagang!

Lumapit ako sa kaniya at hinampas siya. Ang gagong to, pupunta lang dito para mambuwisit!

"Anong gagawin ko Ez? Wala na si Black"aniya pa. I just my rolled my eyes on him and walk through my kitchen.

"I don't care about your damn car, monkey"sabi ko. Bukas talaga ay mag papa-appoinment na ako sa mental hospital. Iaa-admit ko na ron si Vio

"He's not just a car! He's my baby!"sinundan niya ako sa may kusina at akmang kukuha ng mansanas nang hampasin ko ang kamay niya.

Vio pouted. "Aray naman! Ang damot nito!"

"Bumili ka ng mansanas mo, lagi mo nalang inuubos ang sakin"

"Parang isa lang"

Umupo ako sa counter at tiningnan siya. Tinaasan niya ako ng kilay bago ngumisi. "I know I'm handsome"umirap ako sa kahanginan ng muka niya.

"Sinong may sabi na gwapo ka? Hindi mo ba alam na magkamuka kayo ni king Kong?"asar ko. Sumama ang muka niya.

"Don't give that damn Ez. Alam nating lahat na ako ang nawawalang anak ni Adonis na napadpad sa mundo ng mga tao"umasim ang muka ko ng hagundin ng kamay niya ang kaniyang buhok at kumindat pa sa akin.

"Yuck!"

Vio smirked. "Anong bang ginagawa mo rito?"tanong ko. Umupo siya sa kaharap kong upuan at pasimpleng kumuha ng mansanas.

"Our mother misses you"panimula niya. Tumingin ako ng masama sa apple na kinagat niya.

"And?"

"She want you to go back to the province. Isang araw lang naman"dugtong niya. Tumango ako. Miss ko narin kasi sila.

Panay ang kagat niya sa mansanas na tumatango tango pa. Nang maubos niya iyon ay pasimple ulit siyang kumuha. Nang maramdaman niya ang masamang tingin ko ay ngumiti siya.

"God said to share your blessings. Wag kang madamot Ez. Sige ka, hindi ka tatanggapin sa langit"pananakot niya pa. Naalala ko tuloy ang atraso niya sa akin nung nakaraan. Kumulo ang dugo ko.

Wildest WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon