Chapter 14
Katahimikan ang pumailanlang sa buong parking lot. Nakatingin lang ako kay Whistnant na hinahagod ang buhok na animo ay pinapakalma ang sarili. After a minute, he looked at me with gentleness in his eyes. Marahan niyang hinawakan ang siko ko na dahilan upang maramdaman ang libo libong boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
Mabigat ang hininga niya ng titigan ako sa mata. "I....I'm sorry for shouting"aniya bago hinimas ang braso ko.
Para akong mauubusan ng hininga sa ginawa niya. Ni hindi ko nagawang igalaw ang katawan ko. Diretso lang ang titig ko sa kaniya.
"I'll drive you home"he whispered. Maingat niya akong iginiya papasok sa loob ng kotse niya. Nang matapos ay umikot siya sa unahan upang pumunta sa driver seat.
I gasped when he come near me to buckled my seatbelt. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang kotse. Tahimik lang siya habang nagmamaneho samantalang hindi ko naman maialis ang tingin sa kaniya.
I'm making his head hurt? Bakit naman sasakit ang ulo niya sa akin? E kung tutuusin ay dapat ako ang sinasakitan ng ulo dahil hanggang ngayon ay wala parin akong nakukuhang impormasyon galing sa kaniya. Ginawa ko na ang lahat pero hindi man lang umubra.
Inakit ko na, hinaras ko, tapos hinalikan pero para wala paring nangyari. Hindi pa ako kailanman nahirapan sa mga misyon. Isa ako sa pinakamagaling na agent sa buong Asia, pero ang akitin ang lalaking ito sobrang imposible.
What I'm gonna do to you Whistnant? Kidnapin nalang kaya kita tapos pwersahin para umamin sa organisasyong hawak mo?
"Stop staring El Luna"aniya. Umiwas ako ng tingin bago bumuntong hininga. Na ii-stress na ako sa kaniya. Sabado na bukas at malamang na umaasa si Dad na may maiibigay na akong lead. Napapikit nalang ako.
Wala na akong ibang maisip na paraan. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang misyon na ito.
"Where's your address?"he asked. Hindi ako sumagot kaya itinigil niya ang kotse at tumingin sa akin.
"El Luna"tawag niya.
"Hindi mo ba ako type?"I asked him. Kita kong natigilan siya. Noong hindi ko pa siya nakikilala, ni minsan ay hindi ako nagduda sa kagandahan at alindog ko. I'm used to a man fantasizing me. Sanay ako na halos lumuhod sa harapan ko ang mga lalaki mapansin ko lang.
But when I met him, my confidence rolls down. Paano niya nagagawa iyon? Anong meron sa kaniya?
Diretso ang titig ko sa unahan habang hinihintay ang sagot niya.
"Give me your address—answer me first"I cut him. Umiwas lang siya ng tingin bago muling pinaandar ang kotse. Pero bago niya iyon mapatakbo ay mabilis na akong lumabas.
I heard him curse before getting out of his car.
"Why did you that?!"galit niyang tanong sa akin. Humalukipkip ako.
"Answer my question. Am I not your type? Hindi ba ako maganda sa paningin mo o bulag kalang talaga?"dala siguro ng alak ay matalim ko siyang itinuro.
"Alam mo ba kung gaano karaming lalaki ang halos mamatay ngitian ko lang hah! You nerd!"
Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. "Now tell me! Hindi ba kaakit akit ang katawan ko?"tanong ko. Umiwas lang siya ng tingin sa akin at hinimas ang sintido niya na parang sobrang laki na ng problema niya.
"Why are you doing this?"he asked. My forehead creased. "Why are you flirting with me when you're already have a boyfriend?"
Natigilan ako. Anong boyfriend? Nagtangis ang bagang ko ng maalala ang kalokohang ginawa ni Vio. That monkey italian!
BINABASA MO ANG
Wildest Whisper
RomanceBecause of a simple mission. Ezra Dela Fuente's life turn upside down. She need to get an information to a big known sindicate by pretending to be a high school student. At first she thought it was easy as a piece of cake despite of hating to be in...