Chapter 25

307 7 3
                                    

Chapter 25

Mabilis kong tinabi sa dating lagayan ang mga folder ng marinig na bumukas ang pinto ng kwarto ni Whistnant. Mabilis ang tibok ng puso ko ng sumilip sa labas. Nakita ko siya sa sala na kunot ang noo. Mukang nagtataka siya kung bakit wala ako don. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.

Tumikhim ako ng makalapit, kunot parin ang noo niya ng harapin ako. "Akala ko umuwi ka na"aniya. Tipid akong umiling.

"Uhm...uuwi na nga ako. Galing lang ako sa banyo"sabay turo ko sa may kusina kung nasaan ang comfort room. Tumango siya, ilang sandali niya pa akong tinitigan bago kinuha ang susi ng sasakyan niya.

"Ihahatid kita"aniya. Tiningnan ko ang kamay niyang humawak sa akin upang hilahin ako palabas ng condo niya. Ang isa niyang kamay ay dala-dala ang bag ko.

Tahimik ako buong biyahe. Iniisip ko parin kung paanong napunta sa kamay ni Whistnant ang logo ng agency namin. Hindi kasi iyon basta basta nakukuha. Higit sa lahat ay isa iyon sa mga pinaka iniingatan ng aming ahensiya. Ang simbolo ng agency namin ay para lang sa mga miyembro nito. Kaya paanong meron si Whistnant non? Eh hindi naman siya kasali sa amin?


Pumikit ako ng mariin. Punong puno ng tanong at pagkalito ng utak ko. Anong posibleng dahilan para magkaroon siya ng logo? He's our fucking enemy for pete's sake!

"Are you okay?"nabalik ako sa huwisyo ng magsalita si Whistnant. Ni hindi ko man lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Tipid akong tumango bago ngumiti. Lumabas siya ng sasakyan upang pagbuksan ako.

"Thanks"halos maging bulong ang salitang iyon. Nilampasan ko siya para pumunta sa may pintuan pero agad niyang nahagip ang kamay ko.

"May problema ba?"nag-aalala niyang tanong. Malamang na napansin niya ang pag-iiba ng mood ko.

"Are you still mad at me?"tanong niya. Tinutukoy ang eksenang nangyari sa canteen sa pagitan nila ng hitad na teacher. Umiling ako para i-assure na hindi iyon ang dahilan.

"Hindi. Ayos lang ako, medyo pagod lang"aniko bago siya iwan. Pabagsak akong nahiga sa kama ng marating ang kwarto. Nanatili ang diwa ko sa nalaman kanina. Paano? Paano siya nagkaron ng logo?


Tulala akong tumitig sa kisame habang nag-iisip. Kaya naman halos mapatalon ako ng pabalang na bumukas ang pinto.


"Mga pulis ito! Itaas ang kamay!"binato ko ng unan ang bwusit na lalaki. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng makita ang nakakairita niyang muka. Ano? Hindi ba talaga pwedeng matapos ang araw ko ng hindi nakikita ang unggoy nato?

"Ano na naman?!"sigaw ko sa kaniya. Kinuha ko ang baril sa ilalim ng unan ko upang itutok iyon sa kaniya. Namutla ang magaling na Italiano na mabilis na iniangat ang dalawang kamay.

"Teka lang naman! Ako ang nang re-raid ah! Bakit baliktad?!"reklamo niya. Kinasa ko ang baril. Mas namutla si Vio.


"Teka! Teka! Inutusan lang ako ni boss! Sabi niya kailangan na niya ng lead!"hindi na siya magkandaugaga sa pagpapaliwanag. Mariin parin ang tingin ko sa kaniya at nakatutok parin ang baril.


"Ibaba mo na, Ezra. Ayoko pang mamatay"nagpahid siya ng pekeng luha sa mata kaya mas lalo akong nainis. Pilit kong kinalma ang sarili bago bumuntong hininga.

"Pupunta ako sa HQ. Ako ang mag-rereport"sabi ko at tumayo na. Humawak si Vio sa tapat ng dibdib na parang nabunutan ng tinik. Gamit ang kotse ni Vio ay nagtungo kami sa opisina. Nadatnan ko ron si Kuya Yueh na kausap sina Russell.


Wildest WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon