Chapter 24
Natapos ang araw na iyon na may ngiti sa mga labi ko. Kahit pa nga matutulog na ay nakangisi parin ako. Natauhan lang ng marealize kung anong katangahan ang ginagawa ko.
"Bakit ba ako nakangiti?"mahinang bulong ko. Medyo inis sa sarili. Bumangon ako sa kama at naupo. Bakit nga ba ako nakangiti? Ano bang nakakatawa? Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko.
What the hell, Ezra! Wag mong sabihin na gustong gusto mo talaga ang nangyari kanina? Well, he's kinda hot! Shit!
Inis kong sinabunutan ang sarili. Huminga ako ng malalim. Dapat ay hindi ko na iniisip ang mga ganoong bagay. Ang nangyari kanina ay nararapat lang na nakalimutan. Infact, hindi naman iyon big deal sa akin.
I already make out with a lot of man before, kaya dapat wala lang sa akin to.
I nodded. Mas mahalaga na pagtuonan ko ng maayos ang misyon ko. At base naman sa nakikita ko ay mukang nakukuha ko na talaga ang loob ni Whistnant.
Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising gaya ng nakasanayan. Magaan ang pakiramdam ko at pakiwari ko ay maganda ang magiging mood ko buong araw. Sana lang ay walang sumira niyon.
Lumabas ako ng kwarto ng matapos sa pag aayos at dumiretso sa kusina. Anak ng tinapa naman. Bakit ba tuwing maganda ang araw ko ay lagi siyang sumusulpot?
"Naks, gondo nomon. Good morning"malaking ngiti ang iginawad ni Vio sa akin. Nakaupo siya sa counter habang nilalantakan ang mansanas.
Inirapan ko siya. "Ano bang maganda sa umaga kung muka mo ang nakikita ko?"aniko. Agad nalukot ang ekspresyon niya.
"Napakasama mo talaga sa Kuya mo. Dapat nga masaya ka kasi binisita kita"hilaw ko siyang nginitian.
"I would be glad if you don't visit me though"umiling iling siya na animo ay disappointed na disappointed sa sinabi ko.
Naglakad ako palapit upang ilayo sa harapan niya ang basket ng mansanas. Mas lalong sumama ang muka niya.
"Napakadamot"bulong bulong niya pa.
"What are you doing here?"I asked. Kita ko ang pagsunod ng mata niya sa mga mansanas ng ilagay ko iyon sa ibabaw ng ref. Sumimangot ang magaling na Italiano.
"Bawal na bang bisitahin ang little sister ko?"Ngumiwi ako sa narinig.
"Yes, I don't want my little brother to ruined my good morning"banat ko pa.
"Mas matanda ako sayo"paalala niya.
"As if I care?"
"Tsh! Ganyan ka naman, Wala ka kasing galang"aniya. Pasimple pa siyang tumayo upang tumabi sa may ref. Kahit kailan talaga ang snow white nato.
"Palibhasa, wala kang good manners"patuloy niya, ang mga kamay ay nangangapa na sa mga mansanas. I sighed. Bakit ba hindi na lang siya magtanim? Tutal naman adik na adik siya.
"Spill it Vio"aniko. Ngumisi siya.
"May misyon tayong gagawin"aniya.
"Hindi pa ako tapos kay Whistnant—"
"Mabagal ka kasi"I glared at him.
"Sideline, ano kaba"
"May pasok ako"I said.
"Para namang seryoso ka sa pag aaral. Later tonight, underground auction. May huhulihin tayong sindikato. They plan to plant a bomb near West Phillipine Sea"aniya. Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Wildest Whisper
RomanceBecause of a simple mission. Ezra Dela Fuente's life turn upside down. She need to get an information to a big known sindicate by pretending to be a high school student. At first she thought it was easy as a piece of cake despite of hating to be in...