Chapter 31: Different

5 0 0
                                    

Jemi's POV

Dumating na yung sumunod na araw para sa pangalawang scene. The one I walked out off kaya hindi namin natuloy. Hah. I must've seem like a drama queen... nakakahiya. Napatungo nalang ako, my fingers fiddling each other in shame.

I mean, here I am, 30 minutes early sa meet-up spot for recording ng 2nd scene. Siyempre ang kapal naman ng mukha ko kung magpapalate pa ako.

"Aga mo ah," sita sakin ng boses ng babae kaya napatingala ako. "First time." Dagdag niya pa sabay ngisi.

"Sorry," paumanhin ko kaagad sabay tungo sa baba, "na... bigla nalang akong umalis."

"..."

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. A faint chuckle escaping from Jaia. Hmm.. mukhang kaming dalawa lang yung maaga pumunta. Nasa may MOA kami ngayon, mga 11am kaya sobrang kaunti pa ng mga tao.

"You did," matalas na sagot niya, "pero... inexplain naman samin ni Derrick." Sabay mahinahong tono. Huh?

"Ah, inexplain ni Erick?" Tingin ko sa kaniya sabay tango niya. Huh. Ano namang sinabi nun? Biglang sumandal palapit sakin si Jaia kaya napaiwas ako kaunti. "Number two, pft-" malamyang tawa niya at layo sakin.

Number two? Ah. AHH. Sabagay, there's no better excuse than that. "Buti umabot ka pa sa cr, malayo-layo rin yung cr sa cafe alam mo ba yon." Natutuwang sabi niya.

"Yeah, buti nalang." Sagot ko as I thought about yesterday.

"Nga pala," napalingon ako sa kaniya, "naaral mo naman yung script mo noh?"

"Oo," sagot ko, it was the worst part in the short film. Parental rejection and denial. "Okay okay," she hummed in relief.

"Pero alam mo, medyo magaling rin mag-isip si Bryce noh. Nagtataka nga ako kung bakit di siya part ng top 10." Sabi niya kaya napatahimik ako nang saglit. Oo nga noh? "Sabagay, parang ang dami kasing alam ni Rice noh?" Balik ko.

"Oo, ganon na ganon." Pakikisama naman ni Jaia sa sinabi ko. "By the way, ang cute ng tawag mo sa kaniya, Rice." Ngiti niya sakin pero bago pa ako makatugon. "Naisip ko la-"

Nagsitayuan yung mga balahibo sa mga braso ko nang makaramdam ako ng hawak sa may balikat ko. "Narinig ko yung pangalan ko ahh~" Litaw ni Rice sa kabilang tabi ko sabay upo.

"Ah direk, nabasa ko na po pala yung script ko!" Pabirong sambit ni Rice kay Jaia. Walang kaibigan amp, look at him socialize sweat-free. Tumungo nalang si Jaia, blandly stating "Ok good."

"Si derrick," banggit ni Rice kaya napatingin ako sa kaniya, "medyo suplado yun noh." Huh? Bat naman niya biglang nabanggit si erick?

"Hayst, sinabe mo pa." Irap naman ni Jaia. "Nga pala, pano kayo naging close pala ni Derrick?" Sabay tingin ni Jaia sakin. Napatitig ako sa wala, huh, I guess for a long time? "Hindi ko alam eh, pero more than 5 years." Nag-aalangang sagot ko.

And that's when a certain memory sparked in my head.

"Seventy two, about seventy two months Gemini, that's how long I've been in love with you."

His eyes were fixated on mine.

Almost as if he'd never look away.

"Woah, edi kapatid na turingan niyo, noh?"

Biglang nanlamig yung pakiramdam ko sa sinabi ni Jaia. Waking me up from my flashback. Ah. Napatitig ako sa wala. I could feel something stuck at the back of my throat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Run Away With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon