Chapter 27: Assumptions

7 0 0
                                    

Gemini's POV

Natapos na rin kami kumain nang makapagbihis na si Rice. Bakit pa kasi natapat sa biyernes yung nangyari? Hays. Now I'm stuck with this dude ngayong sabado. Isip ko habang naghuhugas.

For some reason, I feel like I missed out on something. Like I forgot something. Ano ba kasi yun?

"Uh Gemini?" Rinig ko na tawag sakin ni Rice kaya napalingon ako habang binabanlawan yung mga pinggan. "Oh?"

"We.. done f-xked up."

"Ha?" Hugas ko ng mga kamay ko nang matapos ako sabay lagay ng mga plato sa lalagyanan. "The groupings.. remember?"

Groupings?

"Wala daw tayong tatlo nila Derrick nung nagpractice sila kahapon!" Eksplanasyon niya kaya nanlaki yung mga mata ko. Oh f-ck! Yun yung nakalimutan ko!

Si Erick kasi eh! Ang daming alam nakalimutan tuloy namin! Pati na rin tong kupal na toh!

"Luh, paano na yon!" Tanong ko sa kaniya sabay punas ng kamay ko sa damit at lapit sa kaniya. "Ano raw, punta raw tayo dun sa cafe na malapit sa school, mga 1pm."

"Sige sige maliligo na lang muna ako tapos ikaw na sumunod." Sagot ko sa kaniya at diretso ko sa kuwarto. "Ay wait, ako muna." Biglaang lagpas niya sakin.

Luh, ako tong basa dahil sa paghuhugas eh. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya sabay pasok niya sa loob ng kuwarto.

"Natatae ako eh." Ngisi niya sabay una niya sa loob ng banyo at sarado. Luh. LUH. Ba'yan.

Napahinga nalang ako nang malalim sabay kuha ng phone ko sa des-- huh? Saan ko nilagay yon? Gago, ang makalimutin ko naman.

Ano ba yan, awit.

Kaya napatayo ako sabay punta sa dining room, baka naiwan ko yung phone ko don? Napalinga-linga ako sa dining room, gago, saan ko ba kasi nilagay yon? Sabay bukas ko ng refrigerator, ay bobo.

Makalipas ng ilang minuto, tahimik nalang akong nakaupo sa dining room. Aaaaaaah lagot ako kay Tita pagnalaman niya na nawala ko yung phone ko. "Malas naman." Naiinis na salita ko sa sarili ko. Napatuon nalang yung ulo ko sa braso ko nakapatong sa lamesa.

"Gemini?" Rinig ko na tawag sakin. "Ano?" Naiinis na sambit ko habang nakabaon yung mukha ko sa mga braso ko.

"Okay ka lang?" Salita niya. "Maliligo ka pa diba?"

"Ewan ko, nawawala yung phone ko eh." Walang gana na pakiramdam ko, tiyak talaga na lagot ako kay Tita. Awit..

"Yung phone mo?"

"...oo."

"Ah, nilagay mo yun sa desk mo diba?" Biglaang salita niya kaya napatingala agad ako at tingin kay Rice.

"A-alam mo? Saan mo nakita?"

"HAHAHAHHA nilagay ko dun sa may drawer nung desk, baka kasi malaglag." Sagot niya sabay hinga ko nang malalim.

HANEP, ANDUN LANG PALA.

"Awit, salamat! Salamat hays.. akala ko nawala." Tayo ko agad as I sighed in relief, feeling pumped up. Hays, Salamat Lord. Whew.

"Sige lang, maligo ka na." Ngiti niya sakin sabay tapik sa likod ko. Kaya ayun, naligo na ako sabay kuha ng phone ko na nakalagay lang pala dun sa drawer.

A few hours later..

"I apologize, really." Rinig ko na boses ni Erick as I entered through the cafe's door. At doon, lumingon sakin si Erick, a grin on his lips instantly. "Jemi!" Ngiti niya almost as if a teddy bear but a handsome.. one. AHHH.

Run Away With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon