Episode 18

224 10 1
                                    

Chaeyoung POVs


Ang bilis ng araw, akalain mo yung 3 months na ang nakalipas simula ng magkakilala kami pero 8 months na kaming kasal. Gawa na din yung penthouse na wedding gift samin ni eomma. Naalala ko nanaman yung sinabi niya na kailangan naming lumipat.


Pero hindi ko inexpect na ganito kaganda yung penthouse na to. Sobrang spacious, sa living room palang panalo na. We can accomate more people. Perfect din para sa movie marathons night namin ni Jisoo.


Pero yung dining table namin is pang 4 people lang. Kasi most of the time daw is kami lang dalawa. Gusto nga nila ipaalis yung dalawang chair sinabi ko na lang na wag ng alisin.


At dahil renowned chef ang asawa ko, sobrang ganda nung pinagawang kitchen ni eomma. Modernized kitchen na siya and then sobrang organized ng mga gamit. Naisip ko naman na mag grocery kami kasi wala talagang pagkain dito sa penthouse.


To be honest natuwa ako nung nakita ko yung bathroom namin, may shower stall siya and then may bathtub na din. Pero yung walk in closet talaga yung nag dala. Sabi ni Jennie idea daw mostly ito ni eomma, since mahilig daw ako sa fashion. Ito na din yung magiging favorite part ko ng pent, may couch din kasi sa gitna nito and may vanity mirror sa corner.


Sobrang perfect din yung nilagay na study room for us. One room pero divided into 2 side. Business atmosphere on the left side and law atmosphere naman on the right side. Pero at the center, merong 2 armchair couch dun kung saan pwedeng dun kami while having a break.


Meron din kaming isang guestroom na sakto lang yung size niya. Yung bedroom naman namin sakto lang yun space hindi ganong malaki. Mukang si nasunod yung color na gusto ni Jisoo na medyo dark ang color pati curtains kasi kapag tanghali na mainit na, glass window kasi ang buong bedroom. Then natawa ako kasi may couch, ang reason ni eomma is kapag daw inaway ako ni Jisoo may hihigaan daw siya pero same room parin kami.


Maglalagay sana ng grand piano si eomma, pero sabi ko kay Jisoo wag na dahil bihira lang din naman namin magagamit yun since sobrang busy namin sa work.


Nagluto na si Jisoo ng snacks namin since dalawang box na lang yung iaakyat ni Lisa at ni Seulgi. Chineck ko na din yung ibang gamit na wala pa kami naisulat ko na din sa list namin. Then bukas pupunta kami sa mall to buy things na kulang samin.


"So ito na yung huling box na dadalin nadin dito." Sabi ni Seulgi habang binababa yung box.


Inabutan naman siya ni Irene unnie ng tubig at pinanunasan yung muka. "Babe, sabi ni Jennie dito daw tayo matulog. Ok lang ba sayo?" tanong niya kay Seulgi pero nang aasar lang talaga si Irene unnie.


"Baby may dinner meeting ako later diba, saka may pipirmahan akong documents sa bahay dinala na dun ng assistant ko." sabi ni Seulgi habang naka look up sa fiancé niya.


"Kala ko papayag ka eh." Natawang sabi niya.


"Iinom tayo g*go!" pasigaw na sabi ni Lisa, sabay tama sakanya ng ligaw na batok.


"Mura pa, Manoban." Nairitang sabi ni Jennie.

Love Shot ||  ChaesooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon