Episode 45

159 9 1
                                    

Third Person


Lumipas ang mga araw, palagi nang umuuwi si Jisoo ng lasing. Nahihirapan na si Chae na makita yung ganong kalagayan ng asawa niya pero wala siyang magawa. Pinili na lang niyang maging masama sa mata ni Jisoo at hindi sinabi ang side niya na binablackmail naman talaga siya ni Sooyoung.


Lasing na lasing si Jisoo ng masabihan siya ni Chae tungkol sa pag inom nito. Kaysa mag away silang dalawa pinili na lang ni Chae na hindi muna umuwi sa bahay nila dahil hindi naman umuuwi si Jisoo ng hindi lasing.


Mas lalong lumaki yung gap nilang dalawa, hanggang sa dumating sa point na si Jennie na mismo ang namagitan sakanilang dalawa.


Kumpleto na ang mga documents na kailangan ni Jennie para maipagtangol ang kapatid niya. Alam niyang si Lisa lang ang pwedeng takbuhan ni Chae sa mga ganitong pagkakataon kaya pumunta siya sa condo ni Lisa ng walang pasabi.


Pagbukas ni Lisa ng pintuan dire-diretso agad si Jennie kay Chae na kakalabas lang ng pintuan nito.


*Pak


Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong bahay.


Napahawak na lang si Chae sa pisngi niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Jennie. Hindi nakasalita si Lisa dahil nagulat siya sa mga nangyayari. Habang si Jennie naman ay gigil na gigil sa galit. Pagbaling ng tingin ni Chae kay Jennie ay agad niya itong dinuro.


"Ang kapal ng muka mong lokohin ang kapatid ko!" saka niya binato kay Chae ang mga pictures na kuha na kasama si Sooyoung na masaya at kitang kita na naglalandian. "Sa lahat ng taong sasaktan mo, pinili mo pa talaga ang kapatid ko!"


Napatingin si Chae sa mga pictures, dun tumulo ang luha niya. Hindi dahil sa sakit ng sampal na nakuha niya kay Jennie kung hindi sa sakit na naramdaman niya. Natauhan siya bigla sa sampal na natangap niya na merong isang taong mahal na mahal siya pero sinaktan niya.


"Anong ginawang kasalanan sayo ng kapatid ko para ganituhin mo siya? Para saktan mo siya ng ganito?!"


"Chae kaibigan kita pero p*t*ngin* kapatid ko ginagago mo at hindi ibang tao!" tuluyan ng pumatak ang luha sa mga mata ni Jennie. "Hindi ka man lang nahiya sakin bilang kaibigan mo!"


"Alam ng kapatid ko lahat ng ginagawa mo." biglang pag hinahon nito pero umiiyak na siya na sabi niya pero full of disappointments ang mata niya.


"Alam niyang hindi ka pa nakaka move on dyan sa ex mo, dahil sinasabi niya sakin na nahuhuli ka niyang nakikipaghalikan sa bar! Hindi mo ba alam kung gano kasakit yun sa part ng kapatid ko ha?! May isip ka ba Chae?!"


"Kung gano kasakit sakin na makita yung kapatid ko na umiinom at umiiyak habang sinasabi niya sakin na sobrang sakit kasi mahal na mahal ka niya!"


"Wala akong magawa Chae! For the first time in my life wala akong magawang paraan para tulungang hindi masaktan yung kapatid ko! You make me feel I'm so f*cking useless!"

Love Shot ||  ChaesooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon