Part 10

527 43 1
                                    

"KAILANGAN bang salubungin mo ng yakap?" iritadong sabi sa kanya ni Larry nang sakay na sila ng kotse nito.

"Ano naman ang masama doon?" katwiran niya. "Kaibigan ko naman iyong tao, ah?"

"Kaibigan?" he snorted. "Ngayon ko lang nalaman na kaibigan mo ang taong iyon. Saan mo nakilala? Kailan pa?" Bakas ang possessiveness sa tinig nito.

"Nakasakay ko sa bus nu'ng manggaling akong Manila," mainit na ring sagot niya. "Matino namang kausap. Di kaibigan ko na."

"Nakasakay mo lang sa bus kung makasalubong ka parang magkaklase kayo since grade one?"

"Ano naman ang masama doon? Kaharap ka naman, ah? Nakita mo naman kung anong klaseng yakap ang ibinigay ko sa kanya. Bakit, mukha ba akong nagtataksil?" napipikon nang wika niya.

Binayo ni Larry ang manibela. "Hindi naman sa ganoon. Kaya lang, ilagay mo naman sa ayos ang kilos mo. We're engaged now, Jen. Buong Tuguegarao, naghihintay na lang na makasal tayo tapos makikita kang ganoon na lang kung makipagyakapan sa ibang lalaki?"

"Ikaw lang naman ang nagbibigay ng masamang kahulugan doon, eh!" Pikon na pikon na siya. At dahil doon ay nagsisimula nang umahon sa dibdib niya ang mga hinanakit niya kay Larry na palalampasin na lang sana niya.

"Gusto ko lang na lumagay ka sa tama. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Hindi pa tayo nakakasal, iniiputan mo na ang ulo ko."

"Ganoon? Sira ka pala, eh. Iniintindi mo iyong mga sasabihin ng ibang tao? Eh, kung ibalik ko kaya sa iyo ang mga sinasabi mo? Di ba, hanggang ngayon, nababalitaan ko pa rin na may mga babaeng naka-epoxy sa iyo? Hindi lang ako kumikibo, Larry. Pero darating ang araw, magugulat ka na lang pag sumabog ang pagtitimpi ko!"

Gulat na napatingin sa kanya si Larry. Ang iritasyong nakabadha sa mukha nito kanina ay dagling nawala. Umunat ang kamay nito at inakbayan siya. "Saan mo naman nabalitaan iyan?" nang-aamong sabi nito. "Don't tell me, naniniwala ka?"

Pinukol niya ito nang matalim na tingin. "Bakit naman hindi ako maniniwala? Second cousin ko si Lulu. Damn you, Larry, magpinsan pa kaming tutuhugin mo!"

"Si Lulu? Wala iyon. Saka iyong sa amin, ang tagal nang tapos nu'n." Hinilot-hilot nito ang shoulder bone niya.

"Talaga? Noong isang araw may nagsabi sa akin, nakita kayong lumalabas ni Lulu sa sinehan."

"Hindi totoo iyon. Baka naman may naiinggit lang sa atin kaya gusto tayong magkasira. Come on, darling, huwag mo nang isipin iyon. Nagpapaka-good boy na nga ako, di ba?"

Nakairap siyang tumingin dito at ipiniksi ang balikat. "Siguruhin mo lang na good boy ka na, Hilario! Ipalulunok ko sa iyo itong singsing na ibinigay mo sa akin kapag ako mismo ang nakahuli sa iyo."

"Nakakatakot ka naman, darling," pa-cute na wika nito.

"Ihatid mo na ako, please." nakaingos pa rin siya.

"Ihahatid? May pupuntahan pa tayo, Jen."

"Saan? Kung kalokohan iyang iniisip mo, lagot ka sa akin," banta niya.

Noong isang beses ay bigla na lang nitong ipinasok ang kotse sa hotel. Wala namang espesyal na okasyon doon at base sa itsura ni Larry, nahulaan na niya kung ano ang balak nito. Inaway niya ito. Ni hindi siya nito nagawang pabababain sa kotse. Wala itong nagawa kung hindi ang ihatid na lang siya sa bahay.

Isang buntunghininga ang ginawa ni Larry. "Ayaw mo pa rin bang pumayag?" tila samo nito. "Malapit naman na tayong magpakasal, ah?"

Pinandilatan niya ito. "Sinasabi ko na nga ba, eh. Ano ka ba, Larry, alam mo na ang stand ko diyan, di ba? Saka na. Kapag kasal na tayo."

Eksaherado ang pagbagsak ng mga balikat nito. "Jen, please?"

"No."

He sighed again. "Look, I admit, I'm now tired of those boring embraces and kisses. I want something more. Pero kung hindi mo kaya, okay, I won't go all the way."

Parang nagpanting ang tenga niya. "You call my kisses boring? How could you?"

"Jen, kapag palaging puro ganoon na lang, nakakasawa din, please understand. I'm a normal man. Hindi ako palagi na lang makukuntento sa ganoon."

"Nakapaghintay ka na ng ilang taon, Larry. Wala nang isang taon ang ipaghihintay mo."

"Iyon na nga, eh. Ilang taon mo na akong pinagtitiis. Bakit hanggang ngayon gusto mo akong maghintay? I'm going to marry you, Jenny. Huwag na nating gawing issue ito. Pagbigyan na natin ang mga sarili natin."

"Sarili mo lang ang gusto mong pagbigyan," mariing wika niya.

Natampal nito ang sariling noo. "I don't understand you," sa wari ay nanunumbat na sabi nito. "Pakakasalan kita, sigurado iyon. Huwag na tayong magpilitan, please? Pumayag ka na. I won't go all the way kung hindi ka pa talaga ready. I want to feel you beside me. Skin to skin. "

Malungkot siyang ngumiti. "Alam mong hindi pa rin ako papayag. My answer is still no."

Dumilim ang mukha nito at pagkuwa ay padabog na humarap sa manibela. Pati pagpapa-andar nito ng sasakyan ay padaskol din. Pero hindi siya apektado. Kapag iyon ang issue, kahit na anong galit o pagtatampo ang ipakita sa kanya ni Larry, nakakapanindigan pa rin siya sa prinsipyo niya.

Naalala niya si Miss Confused. Sana ay katulad rin niya ito.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon