"NINERBYOS ka na naman," amused na wika ni PJ. She looked vulnerable at those times. Hindi niya makakalimutang ganoon din ang reaksyon ni Jenny nang sabihan niya itong kikidnapin—kunwari pero puwede ring totoo kung hindi na siya mag-iisip nang matino.
"'Kainis ka, eh. Bigla ka na lang nagsasalita ng wala sa tono," irap sa kanya nito.
"Bakit naman kailangan pang nasa tono. Hindi naman ako kumakanta." Ikinibit niya ang mga balikat.
"Tse!" asik nito at padarag na tumayo. "Bahala kang magligpit ng pinagkainan."
"Hoy!" habol niyang tawag dito. "Dito sa farm, iyong nakikikain ang naghuhugas ng pinggan."
Pinandilatan siya ito. He just grinned. Bakit ba kahit na ano ang maging ekspresyon ng mukha ni Jenny ay hindi nababawasan ang ganda nito? And he was falling in love more and more.
"NGAYON lang ako napunta rito," wika ni Jenny.
"I don't believe you. Sabi mo, noong mag-college ka lang saka ka umalis sa Tuguegarao. Ito lang Calvary Hills, hindi mo nagawang pasyalan noon?"
Mula sa farm niya ay may shortcut patungo sa burol na higit na kilala bilang Calvary Hills. It was an eleven-hectare rolling hill with the larger-than-life statues of the fourteen Stations of the Cross depicting Jesus Christ's sufferings before His death on Mount Calvary.
Mayroon din doong three-century old well na tila batang sinilip pa ni Jenny. Naghulog ito ng barya doon at nag-wish. Kahit naman anong pangungulit niya, hindi nito sinabi sa kanya kung ano ang wish nito.
"Kasi po, kung mayroon mang pinakamahigpit na tatay sa mundo, ang papa ko iyon. Bawal maglakwatsa. Hatid-sundo pa ako sa eskuwelahan."
"Buti nagawa mo pang makipag-boyfriend. Di ba, high school pa lang kayo ni Larry, kayo na? Ganoon ang pagkaintindi ko sa kuwento mo sa akin."
"Well, nagkataong magkaibigan ang parents namin ni Larry. Malakas ang loob ni Larry na lumigaw. Pero iyong iba, wala na. Hindi na nag-interes. Saka sinindak na ni Larry."
"Kung ako naman ang nagkagusto sa iyo, hindi ako magpapasindak kay Larry. All is fair in love and war," seryosong sabi niya. "Liligawan pa rin kita."
Itinirik nito ang mga mata. "Wala na, tapos na iyon. Ikakasal na kami."
Matatapos na nilang libutin ang labing-apat na istasyon. Sa ika-labing-tatlo, nauna nang naupo si Jenny sa malapad na base ng mga rebulto. Nakaharap ito sa gawi na kung saan ay matatanaw ang Cagayan River.
Tumabi siya ng upo sa dalaga. It was always a perfect sight to him. Isang dahilan kaya ginusto na niyang sa Iguig tumira. Kapag may libre siyang oras ay tambayan niya ang Calvary Hills. At ang paborito niyang puwesto ay ang inuupuan nila ngayon.
The place indeed resembled the old time. Tila Jordan River ang naturang ilog. And somehow, the ambience of Christianity in that place made him felt renewed and healed.
"Jen," he called her softly.
"Bakit?" lingon nito sa kanya.
"Mahal mo ba siyang talaga?" he dared ask.
Nagtatanong din ang mga mata nitong tinitigan siya. "Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?" Ang tono nito ay tila nagbabantang mairita.
"I just want to know."
"I'm going to marry him."
"Yes. Alam na ng halos lahat sa rehiyong ito ang tungkol diyan. Pero alam kaya nila kung ano ang totoong nararamdaman mo?"
Nanlaki ang mga mata nito. "What do you mean? Bakit kailangang malaman ng lahat kung ano ang nararamdaman ko? Sa akin na lang iyon."
"Napaka-simple lang naman ng tanong ko," he said casually. "The answer would be a yes or a no. Do you love him?"

BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love You
Romansa"You've just made a record, Jenny. Ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close na tayo, saka mo malalaman kung bakit mas gusto ko ng PJ." ***** Jaypee Juan wanted to take a break. Though, his heart was already mended n...