Part 35

610 44 2
                                    

NAG-IISA lang si Jenny sa bahay nang magising siya. Sa kusina niya agad hinanap si PJ. Bahagya lang niyang napansin doon ang nakahandang almusal—para sa isa.

"PJ!" malakas na tawag niya. She hated it. Pangalawang beses na siyang nagising na kailangan pa niyang tawagin ito para makita. And she hated it more na ang pakiramdam niya ay para siyang iniiwan.

Parang isang taon ang ipinaghintay niya. Nakapaligo na siya ay nag-iisa pa rin siya doon. Inip na inip na siya. Walang iniwan sa isang na-stranded sa isla ang pakiramdam niya. Nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan ay lumabas siya. "Saan ka galing?" sita niya.

"Bumili ng LPG." Ibinaba nito buhat sa pick-up ang isang tangke. "Naubusan tayo, eh. Iyon namang sa kabila, wala ring laman."

"Bakit mo ako iniwan?" nakasimangot na sita niya.

"Hindi kita iniwan. Bumili lang ako ng LPG."

"Ganoon na rin iyon, eh. Iniwan mo ako." Lumihis siya ng daan nang ipasok nito ang tangke.

Sinulyapan siya ni PJ. Isinalpak muna nito ang regulator bago humarap sa kanya. "Alam mo, mukha kang misis na naglilihi. Unreasonable ka today."

Umingos siya. "Imposible akong maglihi!" At saka siya padabog na tumalikod dito.

"Mukhang masama ang gising mo, ah? Husto ka naman sa tulog, ah? Hindi nga kita ginising kahit na duda na ako na nag-iinit na ang likod mo sa higaan," lapit nito sa kanya mayamaya.

"Iniwan mo ako," sumbat na naman niya.

Hinawakan siya nito sa balikat. Sa mga labi ay tila may ngiting sinusupil. "Diyan lang ako sa highway nagpunta. Ganoon ba ang nang-iwan? Bumalik naman ako agad, ah?"

"Basta, iniwan mo pa rin ako," irap niya.

Tumango ito. "Okay. Next time, kahit natutulog ka pa, bubuhatin kita't isasakay sa pick-up para kahit saan ako magpunta kasama kita. Peace na tayo, okay? Smile na. Come on." Tumaas ang kamay nito at idinantay sa kanyang pisngi.

"PJ," she breathed. Hindi niya alam kung anong klaseng sensasyon ang pumuno sa kanya nang sandaling mapadaiti ang balat nito sa kanya. Napatitig siya dito. And the beating of her heart told her she was lost, for some reason she was yet to understand.

Malamlam ang mga matang hinaplos nito ng tingin ang kanyang mukha pero higit na nagtagal ang titig na iyon sa kanyang mga labi. He seemed to suck a breath when he opened his mouth.

"You know, Jen, may gusto akong gawin, eh. Kagabi pa."

"W-what?" Halos hindi lumabas ang tinig sa kanyang mga labi. Ang dibdib niya ay umapaw sa antisipasyong tanging ngayon lang nangyari sa kanya. And she could feel her knees slowly turning weak.

"This." His mouth touched hers as lightly as a feather.

Parang tumigil ang kanyang paghinga. Kahit na halos alam na niyang ito ang mangyayari ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. But he was indeed kissing her. Kaygaan ng halik nito na parang ibinibigay sa kanya ang lahat ng pagkakataon upang tumanggi at umiwas.

But his kiss was so sweet, he was moving gently at first. Then he increased his tempo. Parang tinangay niyon ang kamalayan niya. Naramdaman na lang niyang nakayakap ang isang kamay nito sa kanyang bewang habang ang isang kamay nito ay patuloy na humahaplos sa kanyang mukha.

His lips were firm but not pushy, She found herself enjoying the light contact. When he drew back, tila ungol ng protesta ang umalpas sa bibig niya.

Inianggulo lang nito ang ulo at muli siyang hinagkan. This time, his tongue swept against her lower lip. And she understood what was he wanted. Iniawang niya ang mga labi at hinayaan itong palalimin ang halik. He slipped inside, teasing the insides of her lips before touching the tip of her tongue with his.

Daig pa niya ang humawak sa isang live wire. A jolt of electricity shot through her. The reaction of her body startled her. It was like being on fire, but in a very good way. Heat filled her. Heat and pressure. At siya na ang kusang yumakap sa binata.

He broke the kiss and pressed his mouth against her lips. "I hope you're not angry," buong suyong bulong nito pagkuwa.

Napahinga siya at bumitaw ng yakap. "I should be. Pero alam nating pareho na kasinungalingan lang iyon kapag ginawa ko."

Inabot siya ni PJ at niyakap. "You're so special to me, Jen. Very, very special."

Hindi siya sumagot. She leaned on his chest and breathed in his masculine scent. Masarap sa pakiramdam na yakap siya ni PJ. Parang gamot iyon na lumulunas sa lahat ng sama ng loob na nagpapabigat sa dibdib niya.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon