KUNG MAY pagpipilian lang si Jaypee, pinakahuling lugar na pipiliin niyang puntahan ang kinatatayuan niya ngayon. Maganda kung sa maganda ang paligid. Talagang ginayakan ng husto ang bawat sulok. A beautiful, perfect garden wedding, indeed. Pero sa dibdib niya, tila pagluluksa ang lahat ng iyon. Ang mga bulaklak na perpektong naka-arrange sa paligid ay parang mga korona ng patay—para sa puso niyang tila naghihingalo na ngayon.
Araw ng kasal ni Jennifer—kay Larry, kanino pa nga ba. At buhat nang dalhin sa kanya ni Millet ang imbitasyon para sa okasyong ito ay parang unti-unti na ring bumagal ang tibok ng puso niya.
Every time he thought of her wedding, he died a little. At sa palagay niya, sa araw na iyon ay magwawakas na rin ang paghihingalo ng puso niya. His heart would stop beating, at last!
He sighed sadly. Kung sana ay literal ngang mangyayari iyon ay malamang na magdiwang pa siya. But he knew otherwise. Kahit na mula't mula pa ay alam na niyang magpapakasal si Jenny sa iba, hindi pa rin niya ganap na naihanda ang kanyang kalooban. Parang ngayon pa lang nagsisimula ang kanyang pagdurusa. Minsan pa, nadurog na naman ang puso niya.
Napatingala siya. Bakit ba ito nangyayari sa kanya? Each time, he fell in love with all his honesty. Wala rin siyang record na nang-agrabiyado ng babae. Pero bakit hindi mangyari na mapasakanya ang babaeng iniibig niya? bakit parang hanggang kaibigan na lang ang kanyang ituring sa kanya ng mga babaeng minahal niya sa magkaibang pagkakataon?
He swallowed painfully nang makitang nakatayo na sa dulo ng aisle si Jenny. She was so beautiful. She was a wonderful sight the he felt falling in love with her more.
Naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya tiyak kung siya na ang pinakabagong martir sa buong mundo kaya nakakatagal siyang nakatayo roon. He knew he would die inside habang sinasaksihan ang pagpapakasal nito sa iba. Pero pinili pa rin niyang pumunta roon.
He never knew his love for her would go to this length. Mas pinili pa rin niyang pagbigyan ang kahilingan ni Jenny na dumalo siya—kahit na nga ba kung sarili lang ang iintindihin niya ay hinding-hindi niya gagawing tumuntong doon.
Mula sa kinatatayuan ay masuyo niyang pinagmasdan ang dalaga. And he grimaced at his thought. Barely an hour from now, hindi na angkop kay Jenny ang terminong iyon. She would be Mrs. Larry Cordova.
Bakit hindi na lang Mrs. Jaypee Juan?
Parang nagulat pa siya nang mapansin na sa kanya mismo nakatingin si Jenny. kumakaway pa ito sa kanya. He sighed again. Parang gusto niya itong lapitan. And at the last moment, gusto niyang itanong kung desidido na ba ito.
He wanted to dare her. At kapag nabasa niya sa mga mata niya ang isang pagdududa, he would be damned pero gagawa siya ng paraan upang hindi ito matuloy magpakasal sa lalaking iyon.
"Sorry ka na lang, pare. She's mine now."
Buong kahambugang nakatunghay sa kanya si Larry—in his wedding attire.
Nagtagis ang mga bagang niya. Bagaman alam niyang hindi mangyayari ang okasyong iyon kung wala ito, parang hindi pa rin niya matanggap na nasa harapan niya ito ngayon. And worst sapagkat walang iniwan sa ibang batang mang-iinggit ng bagong laruan ang anyo nito.
"Take care of her. Love her," he said through clenched teeth.
Lalong naging palalo ang anyo nito. "You don't have to tell me. Alam ko ang gagawin ko. At bilang magiging asawa niya, gusto kong malaman mo na hindi ko gustong naririto ka. At isaksak mo rin sa utak mo, pagkatapos ng kasal na ito, lalong hindi ko gustong makipagkaibigan ka pa sa asawa ko. She's going to be my wife in a few minutes. At may karapatan na akong pumili kung kanino siya makikipagkaibigan. At wala ka sa listahan ko."
Nagsukatan sila ni Larry ng tingin. Kung mapapatay lang niya ang lalaki sa titig ay kanina pa siguro ito tumumba. And only God knows kung gaanong pagpipigil ang ginagawa niya para hindi ito dambahin.
How dare he? Hindi ba nito alam kung gaano na kalaki ang pagdurusa sa puso niya ngayong magpapakasal na ang pinakamamahal niya dito mismo? Ang ginagawa sa kanya ngayon ni Larry ay walang iniwan sa pagbubudbod ng asin sa isang sariwang sugat.
"Larry, proceed to your place," lapit dito ng isa sa mga abay na lalaki. "Magsisimula na ang kasal."
Bahagya lang natinag si Larry. Bago ito ganap na lumayo sa kanya ay nagsalita ito uli. "Tandaan mo ang sinabi ko. Huwag na huwag ka nang lalapit sa asawa ko."
Asawa. That term struck his wound like a handful of salt.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love You
Romance"You've just made a record, Jenny. Ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close na tayo, saka mo malalaman kung bakit mas gusto ko ng PJ." ***** Jaypee Juan wanted to take a break. Though, his heart was already mended n...