"I WET your shirt," paos na sabi ni Jenny at nahihiyang bumitaw ng yakap kay PJ. "I'm sorry." Inabot niya ang tissue box sa dashboard and pulled some sheets. Ginamit niya iyon upang tuyuin ang bahagi ng damit ng binata na nabasa ng luha niya.
Hinagip ni PJ ang kamay niya. "Hayaan mo na lang." At masuyo siya nitong tiningnan. "Are you okay now?"
She sighed. "I wish I am." Tumuwid siya ng upo at noon lang niya napansin na nananatiling magkahawak ang kanilang kamay. Hindi iyon binitiwan ni PJ at sa halip ay umisod na lang ito palapit pa sa kanya.
"You can tell me about it," he said gently.
"Nakakahiya," she breathed at saka napailing. "Kungsabagay, nakakahiya rin naman na nagsalita pa ako. Bakit ba hindi na lang ako basta umalis? Ginawa ko pang kahiya-hiya ang sarili ko sa mga bisita."
"Don't say that," saway nito. "I admire you, Jenny. Matapang ka. Hindi lahat ng babae ay kayang gawin ang ginawa mo. I heard everything you said there. And I was glad I stayed until that moment."
Napatingin siya dito. "You mean, aalis ka na sana?"
"Yes. Ano pa ba ang gagawin ko roon? Napagbigyan na kita na pumunta ako doon."
"I'm glad you were there. I'm glad you're with me now. P-pagkatapos kong magsalita sa lahat, parang na-blangko ang utak ko. I know what's happening pero... ewan ko. Parang hindi ko naiintindihan. Parang napuyat ako nang ilamg araw at walang laman ang utak ko."
"You're confused."
Tila hindi niya narinig iyon. Ang isip niya ay minsan pang bumalik sa eksenang halos makawasak sa pagkatao niya. "Napakawalanghiya nila! Mga... mga baboy sila!" masamang-masama ang loob na bulong niya.
"What did you say?" untag sa kanya ni PJ.
She glanced at her. She didn't knew what he saw in his eyes but when their eyes met, hindi na siya nag-atubili pang magsalita. Buong-buo niyang nasabi ang nakita niya. At parang nagulat pa siya na nasabi niya iyon na hindi tumulo ang kahit na ga-patak na luha niya.
"Mapapatay ko siya!" mariing wika ni PJ pagkatapos.
"Don't. Wala siyang kuwentang-tao. Sayang. Sayang lang ang lahat ng pag-ibig na ibinigay ko sa kanya."
Minsan pa ay namayani ang katahimikan sa paligid nila.
"Jen," sabi nito sa kanya pagkuwa. "Let me remind you of something that you said there."
"Alin doon?"
"Ipapawalang-bisa mo ang kasal ninyo?"
Magkalapat ang mga labi niya nang tumango. "Hindi ko maaatim na makisama pa sa kanya! Hindi ko na siya gustong makita kahit kailan." At naramdaman niyang umahon na naman ang galit sa dibdib niya.
"Dito ka lang, ha?" he said softly. "Sandali lang ako."
Nagtataka man ay tumango siya. Umibis si PJ ng sasakyan. pero mayamaya lang ay bumalik na ito. May dalang bote ng mineral water.
"Drink," utos nito.
At pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi niya akalaing kailangan pala niya ng tubig. Natanto lang niya iyon nang may sumayad na likido sa bibig niya. At halos masaid niya ang bote pagkatapos.
"Salamat," sinserong sabi niya sa binata. She would never forget this thoughtfulness of him-aside from everything else.
"Feeling better?" nakangiting tanong nito.
"Oo." At nagawa niyang gantihan ang ngiti nito.
"Saan mo gustong pumunta?" banayad na tanong nito uli sa kanya.
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love You
Romance"You've just made a record, Jenny. Ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close na tayo, saka mo malalaman kung bakit mas gusto ko ng PJ." ***** Jaypee Juan wanted to take a break. Though, his heart was already mended n...