Chapter 2

366 6 0
                                    

Trishka.

Lumabas akong umiiyak sa opisina ni Lazarus, bakit hindi niya ako hayaan na mahalin siya kahit walang sukli. Gusto ko lang namang iparamdam sa kaniya yung pagmamahal ko. Dahil ba sa bitch niyang girlfriend.

Speaking of the bitch.

"Hey, my bitchy sister." aniya ni Arriane my half sister and Lazarus Girlfriend

Half sister kami dahil mag kaiba kami ng nanay. Nagtatrabaho daw nun si Mama sa bar at andun din si papa tapos may nangyari sa kanila at ako ang bunga.
Hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy lang lumakad nang hawakan nito ang braso ko.

"Wag mo akong talikuran kapag kinakausap kita!" sigaw niya saakin

Napa sigaw ako nang hilahin niya ang buhok ko at pinagsasampal ako. Nagkagulo ang mga tao sa building, yung iba nagvi-video, yung iba naman ay hindi alam kung sinong aawatin saamin ni Arriane.

"Attention everyone, itong babae na ito ay inaagaw ang boyfriend ko kaya bantayan niyong mabuti ang mga boyfriend niyo kung ayaw niyong mawalan." sabi ni ate

Nagbulungan naman ang mga tao at lalong dumami ang nag video. Nasisilaw ako sa flash.

"Wag mong agawin saakin si Lazarus kung ayaw mong magkasakitan pa tayo!" sigaw niya sa akin

"Hindi, hindi ko siya inaagaw sayo." aniko

Napaiyak nalang ako sa sakit na nararamdaman na pagsabunot at mga sampal saakin ni ate.

"Katulad kalang ng nanay mo na higad!" aniya

Nag init ang ulo ko sa tinawag niya sa nanay ko. How dare she?

Buong lakas ko siyang tinulak at sinampal kaya napahiga siya at duon ko siya dinaganan at pinagsasampal.

"A-ah, tama na!" sigaw niya

Tumilapon ako ng may tumulak saaking malakas na pwersa nauntog ako sa gilid ng pader at naramdaman ko namay mainit sa ulo kaya kinapa ko ito at nakita ko ang DUGO.

Tinignan ko ang may gawa non at labis na sakit ang aking naramdaman ng si Lazarus pala ang may gawa non saakin.

"What the h*ll are you doing to my girlfriend!?" sigaw nito saakin habang tinutulungan tumayo si ate. Lumapit saakin si Lazarus at sinampal ako.

"B-babe, im scared. Sinaktan niya ako, Look." Itinuro nito ang mga kalmot sa kaniyang mga kamay.

"Shh, andito na ako, dadalhin kita sa
ospital." ani ni Lazarus

Kaunting galos lang ang natamo niya ngunit dadalhin agad siya ni Lazarus sa ospital. Wala sa sariling tinignan ko ang aking sarili. Kalmot, pasa, sugat,dugo. Nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Paano ako? Hindi manlang ba niya ako tutulungan. Napahikbi ako habang tinitignan si Lazarus na binuhat si ate napa "bride style". At umalis na.

Tinignan naman ako ng mga tao ng may pandidiri, awa sa mga mata nila.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa lapag at tumatakbong umalis roon.

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now