Chapter 12

316 2 0
                                    

Trishka.

Magdamag akong umiyak dahil sa nangyare kanina, ang sakit pala no? Yung makita mong hindi ka sapat sa taong minamahal mo?

Malapit na. Malapit na akong sumuko sa kaniya. Pero sa ngayon hindi muna, magtitiis pa ako hanggat kaya ko. Anong magagawa ko? mahal ko, eh.

Nagluto ako ng mga paboritong pagkain ni Lazarus balak ko sana siyang dalhan ng lunch niya.

Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay mabilis kong kinuha ang aking susi at sumakay nang aking kotse. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako ng kompaniya ng asawa ko. Asawa ko?

Katulad ng dati ay pinagtitinginan parin ako ng mga empleyado dito.

"Hala! Diba 'yan yung malanding kabit?"

"Babe, lumayo ka diyan baka ahasin ka niyan!"

Napayuko ako sa aking narinig at namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ba nila alam ako yung asawa , sabagay hindi naman niya tanggap na ako ang asawa niya. Bakit pa ako aasa?

Hindi ko nalang inintindi ang mga pinagsasabi nila at pumasok nalang ako nang elevator. Ilang segundo lang ay bumukas na ito tanda na nasa 15th floor na ako kung nasaan ang opisina ni Lazarus. Nasa harap na ako ng pintuan niya ng may narinig akong tawanan ng mga lalaki. Binuksan ko ang pinto at diretsong pumasok sa loob. Muntik na akong mahimatay ng tumambad sa akin ang apat na nag g-gwapuhang mga lalaki.

"Woah! Hot chick." Saad ni Josh Vargas na may kulay pulang buhok. At meron itong Dark Brown na mata. Isa itong sikat na model sa buong Asia.

Napatingin naman ako sa isang lalaki na sumipol at ito'y may kulay berdeng buhok. At kulay jet black na mata. Ito naman si Luxwell Deogracia isang sikat na artista

Ang katabi naman nito'y nakatingin lang saakin na parang wala lang. May kulay blonde itong buhok. At may ilang hikaw sa kanang tenga nito. Meron din itong Brown na mata.

Napatingin din ako sa lalaking nagbabasa na parang may sariling mundo ito. Meron itong itim na buhok at napaka tangos nang ilong nito. At kulay blue ang mata.

Para akong naistatwa ng isa isa itong lumapit saakin. Nilahad nila sa aking harapan ang ang kanilang kamay.

"Ako si Josh Vargas." Kumindat pa saakin ito. Playboy!

"Ako naman si Luxwell Deogracia." Hinalikan ako nito sa pisngi at para akong namula. Hihihi..

"Alejandro Cruz." Saad ng lalaking may Blonde na buhok.

"Cloud Zevanon." Cold na sabi ng may kulay itim na buhok. Napatango ako sa kanila at para akong mahihimatay sa sobrang kagwapuhan nila. Omg

"Ehem!" Napa ayos ako ng tayo nang masamang nakatingin saamin si Lazarus.


ktcandy

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now