Chapter 16

413 2 0
                                        

Trishka.

isang linggo na ang nakalipas nung nangyare ang divorce namin ni Lazarus, isang linggong pagala gala,isang linggong walang ligo at isang linggong walang kain. Ang saklap ng nangyayare saakin, grabe na yung mga paghihirap ko, lalo pa't buntis ako. Oo, nalaman kong buntis ako nung mismong birthday ko, dahil habang nag g-grocery ako ay nahilo ako kaya't nagpa check up nalang ako sa malapit na clinic at doon ko nalaman na 2 months pregnant ako.

Nakaramdam ako ng pagod at umupo muna ako sa upuan sa gilid, gutom na talaga ako, maya maya ay napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang basurahan na may lamang isang pirasong burger na may bawas na. Katabi nito ang isang mineral water na nasa kalahati nalang ata.Tumingin muna ako sa paligid at dahan dahan akong naglakad palapit sa basutahan, dinampot ko ang burger at bumalik sa upuan ko. Matagal ko itong tinitigan at nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko habang unti unti ko itong kinakain

Kapit ka lang anak, huh. Makakaraos din tayo, makakakain din tayo ng mga masasarap na pagkain, hahanap si Mommy ng trabaho, kakayanin natin kahit wala si Daddy mo.

Tumayo muli ako at itinapon ang balat ng burger at ininom na tubig. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng pwesto dito sa ilalim ng tulay, wala na akong choice kaya dito muna ako habang hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Kinuha ko ang maleta ko at binuksan, kinuha ko ang mga damit ko at pinagtagpi tagpi ito para maging sapin at kumot ko.

Kamusta na kaya ang pamilya ko at si Lazarus. Masaya naba sila ni Ate? Sigurado akong oo sana hindi niya saktan ang kapatid ko gaya ng ginawa niya sa puso ko. Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata, Nagdasal na ako dahil inaantok na ako. Pinagdikit ko ang mga palad ko at pumikit.

Lord, ingatan mopo sila Mommy, Daddy, Ate,Atlas at Lazarus sana masaya silang lahat kahit hindi ako ang kasama nila ngayon. Kahit ganto ang ginawa nila saakin, kahit durog na durog na ako nang sobra mahal na mahal ko parin sila. Ingatan mo din po kami ng anak ko nawa'y maging ligtas kami sa kalsada araw araw. Amen.

Nagsimula ng bumigat ang talukap ko sa mata. and everything went black.



ktcandy

 Unwanted WifeWhere stories live. Discover now