Trishka.
Pinilit kong makatayo at mag bihis nang damit. At paika-ikang naglakad palabas at sumakay sa lumang kotse ko.
Nagsimula na akong magmaneho papunta sa Luna Hospital.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong inasikaso ng mga nurse at doktor ng makita nila ang kalagayan ko.Matapos akong gamutin ng doktor ay binigyan ako nito ng mga pain relivers.
"Okay, na yung sugat mo, pumunta ka nalang dito kapag lilinisan na at papalitan ng bagong benda. Ingatan mo din yung tahi mo baka bumukas sa sobrang pwersa." ani ng doktor.
Guwapo ito at may katangkaran, may blue eyes, matangos na ilong, red lips at naka clean cut ang gupit ng buhok niya. Gwapings ang datingan. Hihihi.
Napailing nalang ako sa mga pinag iisip ko sa doktor na'to. "Okay." aniko ko, dahil wala naman akong naintindihan sa mga sinabi niya eh.
Nagpaalam na ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa bahay at agad nag tungo sa aking kwarto at doon ay saglit na umidlip. Hindi paman malalim ang tulog ko nang may malakas na kumatok sa pinto.
I sighed heavily.
Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. Napabaling ang mukha ko sa kaliwa ng may malakas na sampal akong natamo galing kay Mommy.
"Sa'n, ka galing at inumaga ka'na?!" bungad na sigaw nito. Hindi ako nakasagot dahil ayaw kong malaman nilang pumunta ako ng ospital. Wala rin naman silang pake saakin.
"Ano? Hindi ka makasagot, siguro puro kalandian yung inatupag mo. Mother like Daughter. Huh!" aniya
Umiyak ako. Umiyak ako hindi dahil sa pagsampal niya saakin, kundi dahil sa masasakit na salitang sinasabi niya tungkol ka'y mama.
"Anong nangyayare dito?!" savi ni Dad na kakarating lang galing sa work.
"Ito." Tinuro pa ako ni Mommy bago nagsalita ulit. "Itong anak mo sa labas, lumalandi na ata. Inumaga na nang uwi!" Napalingon saakin si Dad habang nananaliksik ang mga mata.
"Totoo ba?!" sigaw nito, ngunit hindi na ako nag abalang magsalita pa dahil hindi naman siya naniniwala sa akin eh!
"Sumagot ka! Bastos ka talagang bata ka. Manang-mana ka sa nanay mo!" ani Dad.
Hindi kona napigilan ang sarili ko't sumigaw din.
"Bakit sa tuwing nagagalit kayo ako pinagdidiskitahan niyo? Bakit sa tuwing nagagalit kayo, pati nanay ko dinadamay niyo? Ha?" sigaw ko sa kanila.
Isang malakas na sampal galing kay Daddy ang natamo ko. Kaya naman para akong nahilo ngunit kinaya ko ito.
"Aba't, bastos ka talagang bata ka!" sigaw ni Dad bago ako nila iniwanan mag isa sa kwarto ko.
Isinara ko ang pinto at umiyak sa loon ng kwarto ko.
Kwarto kona naging karamay ko, kwarto kong saksi sa sakit na dinulot ng pamilya ko saakin.
Hindi pa ba ako sanay! Dapat sanay kana Triska! Lahat ng tao ayaw sa'yo kaya tumigil kana. Sabi ng isip ko.
Nagulat ako ng may maramdaman akong mainit na likidong umaagos pababa sa tiyan ko. Unti unti kong naramdaman ang pagkahilo ngunit, bago ako nawalan nang malay ay nakita ko kung saan galing ito.
Bumukas yung tahi ko!
———
_cinderellaaaaaa
YOU ARE READING
Unwanted Wife
RomanceMahal kita kahit ang sakit na - Trishka. Crdts: PHOTO NOT MINE!